EPISODE · Jan 21, 2024 · 5 MIN
Mabuting Balita l Enero 22, 2024 – Lunes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Enero 22, 2024 – Lunes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 3:22-30 May dumating na mga guro ng Batas na galing sa Jerusalem, at sinabi nila: “Sumasakanya si Beelzebul at sa tulong ng pinuno ng mga demonyo siya nagpapalayas sa mga ito.” Tinawag sila ni Hesus at nagsalita sa talinhaga: “Puwede bang satanas ang magpalayas sa Satanas? Kung may pagkakahati-hati ang isang kaharian, hindi na makakatayo ang kahariang iyon. At kung may sambahayang nagkakahati-hati, hindi na makatatayo ang sambahayang iyon. At kung si Satanas ang lumalaban sa kanyang sarili at nagkakahati-hati, hindi na siya makatatayo kung malapit na ang wakas niya. Walang makapapasok sa bahay ni malakas at magkakalat sa lahat niyang mga gamit kung hindi muna itatali si malakas. Saka lamang niya masasaid ang lahat na ari-arian nito. Sinasabi ko sa inyo: “patatawarin ang mga anak ng tao sa lahat ng kanilang mga kasalanan at pati sa kanilang mga paglait sa Diyos kahit na marami man ang mga paglait nila sa Diyos. Ngunit kung may magsalita laban sa Espiritu Santo, kailanma’y hindi siya mapapatawad; kasalanang walang hanggan ang nasa kanya.” Ang pagsasabi nilang may masamang Espiritu siya ang tinutukoy ni Hesus. Pagninilay: Hindi mapapatawad ang sinumang lumait sa Espiritu Santo. Sabi ni Pope Francis, hindi ito kailanman mapapatawad dahil ito ang pagpinid ng puso sa habag ng Diyos na kumikilos kay Hesukristo. Mismong si St. Pope John Paul II, sa kanyang encyclical na Dominum et Vivificantem o The Lord, the giver of Life, nasusulat na ang Banal na Espiritu ang pinagmumulan ng pagbabalik-loob. Kung sarado ang kalooban sa tunay na pagbabagong buhay, tulad ng walang taos na pagsisisi at walang tapat at matibay na layunin na makipagkasundo sa Diyos, mananatiling walang matatanggap na kapatawaran. Sila ang mga nagmamatigas sa kanilang karapatan na pumanig sa masasama at piliin ang masamang gawa. Simple lang. Ayaw mong humingi kaya hindi ka bibigyan. Ganun na lang sana. Pero sindami ng bituin sa gabi ang nakahanda sa atin na pagpapatawad. Kaya, kahit na anong oras tayong lumapit sa Kanya, mas mabilis pa Siyang sasalubong sa atin. Kapanalig, kung may sama ka man ng loob sa ating Diyos, nakikita ito at naririnig ng Kanyang puso. Handa siyang ipahayag mo ang iyong niloloob. Sa mga tumatangkilik naman ng Sakramento ng Kumpisal, patuloy pa nating ipagkatiwala ang ating kalooban sa Banal na Espiritu. Hinding-hindi Niya tayo hahayaang mahulog sa patibong ng kasamaan.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Enero 22, 2024 – Lunes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.