Mabuting Balita l Enero 24, 2024 – Miyerkules l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Jan 23, 2024 · 6 MIN

Mabuting Balita l Enero 24, 2024 – Miyerkules l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Enero 24, 2024 – Miyerkules Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mark 4:1-20 Nagsimulang magturo si Hesus sa tabing-dagat at marami ang nagkatipon sa kanya. Kaya sumakay siya sa bangka at naupo. Nasa dagat siya at nasa tabing dagat naman ang lahat. At marami siyang itunuro sa kanila sa tulong ng mga talinhaga. Sinabi niya sa kanila sa kanyang pagtuturo: “Makinig kayo! Lumabas ang manghahasik para maghasik. Sa kanyang paghahasik, may butong nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at kinain ang mga iyon. Nahulog naman ang ibang buto sa batuhan at mababaw ang lupa roon. Madaling tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. Ngunit pagsikat ng araw, nasunog ito sa init, at sapagkat walang ugat, natuyo ito. Nahulog ang iba pang buto sa mga tinikan. At nang lumago ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman at hindi namunga. Nahulog naman ang iba sa matabang lupa at namunga sa paglaki at paglago. May nagbunga ng tatlumpu, animnapu ang iba at sandaan ang iba pa. Makinig ang may tainga! Ang Salita ang inihahasik ng manghahasik. Ang mga nasa tabi ng daan ay ang mga nahasikan ng Salita, na pagkarinig nila sa Salita ay agad na dumating ang masama at inagaw ang nahasik sa kanila. Gayundin ang nahasik sa batuhan. Pagkarinig nila sa Salita, kaagad nila itong tinanggap nang buong kasiyahan. Ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang kalooban at panandalian lamang. Kapag nagkaroon ng pagsubok at pag-uusig dahil sa Salita agad-agad silang natitisod. May iba pang nahasik sa mga tinikan. Ang mga ito ang nakarinig sa Salita. Ngunit pinapasok ang mga ito ng mga makamundong kabalisahan, ng pandaraya ng kayamanan at ng iba pang mga pagnanasa. Sinikil ng mga ito ang Salita at hindi na nakapagbunga. Ang mga buto namang nahasik sa matabang lupa ay ang mga nakarinig sa Salita at isinasagawa ito. At nagbubunga sila ng sandaan, animnapu o tatlumpu.”   Pagninilay: Sa narinig nating Mabuting Balita, ang mga binhing inihasik ay tumutukoy sa Banal na turo ng Panginoong Hesus.  Ang paghahasik naman ay ang Kanyang pangangaral.  Nagpapahiwatig ang talinghaga, na kay Hesus, muling narinig ng mga tao ang tinig ng Panginoon, na minsa’y tumahimik habang naghihintay ng tamang panahon ng Kanyang pagdating.  Pero sa kabila ng kapangyarihan ng Kanyang Salita, iba-iba ang naging tugon ng mga nakikinig.  May madaling makalimot sa pahayag, mayroong hanggang kaalaman lang at hindi isinasabuhay, mayroon ding tinatanggap ang pahayag, pero kulang sa paninindigan,  at mayroon ding mapalad na tinatanggap ang Salita, iniingatan ito sa kanilang puso, at pinagsisikapang magbunga sa kanilang buhay.  Mga kapanalig, alin ba tayo sa mga taong ito?  Kamustahin natin ang araw-araw nating pagtugon sa pakikinig sa Banal na Salita ng ating Panginoon.  Nagbubunga ba ito sa ating buhay?  Nawa’y mithiin nating pagyamanin ang bunga ng Banal na Salita sa ating buhay.  Sa ganitong paraan, maipapalaganap natin ang Kaharian ng Diyos sa ating kapwa. Manalangin tayo:  Panginoon, tulungan Mo po akong makatugon sa hamon ng Mabuting Balita na araw-araw kong napakikinggan at napagninilayan. Sa tulong ng Iyong Banal na Espiritu magbunga nawa ito ng siksik, liglig, at umaapaw na biyaya sa aking buhay pananampalataya at pakikipag kapwa tao, Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 23, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Enero 24, 2024 – Miyerkules l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon

0:00 6:00

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 6 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 23, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!