Mabuting Balita l Enero 25, 2024 – Huwebes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Jan 24, 2024 · 6 MIN

Mabuting Balita l Enero 25, 2024 – Huwebes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Enero 25, 2024 – Huwebes Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 16:15-18 Sinabi niHesus sa labing-isa: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.     Pagninilay: Ngayon ay ang Conversion o ang pagbabagong loob ni San Pablo ng Tarsus.  Ano ba ang ibig sabihin ng kapistahang ito? Bakit ipinagdiriwang ang Conversion? Di ba sa mga piyesta ng simbahan ang kalimitang ipinagdiriwang ay ang araw ng kanilang kamatayan? Bakit kakaiba yata ito?  Mga kapanalig, ang conversion o ang pagbabagong loob ni Pablo, unang-una, ay hindi tungkol sa kung siya ay masama o mabuting tao. Opo, hindi siya perpekto! Pero hindi siya masamang tao. Sa katunayan, isa siyang masigasig at mabuting Jewish Pharisee! He followed the rules by the book! Kung kaya't ganoon na lamang siya kasigasig na tugisin at isumbong ang mga Kristiyano, dahil para sa kanya hindi sila umaayon sa paniniwala ng isang mabuting hudyo! Iningatan niya ang kanyang kapwa hudyo, sa takot na mahikayat ang mga ito, sa inaakalang kasinungalingang ipinapahayag ng mga kristiyano— na si Hesus ay Diyos.  Pero, nagbago ang lahat noong nagkaroon siya ng tinatawag na Conversion, isang paanyaya mula sa Diyos. Sa salitang griyego, ang conversion ay metanoia--na ang ibig sabihin ay "moving beyond the mind". Nagkaroon siya ng bago at mas malawak na pananaw tungkol kay Hesus. Kung kaya’t technically, hindi dapat pagbabagong loob o buhay ang pagsasalin ng conversion, kundi pagbabagong isip. Gayunpaman, nagpakita si Hesus sa kanya. Namangha siya! dahil ang inaakala niyang patay ay buhay pala; at kinakausap pa siya. Sabi nga niya sa kanyang sulat sa mga taga Galacia "God was pleased to reveal his Son to me, that I might proclaim him to the Gentiles!" (1:15-16). Manalangin tayo: Panginoon, tulad ni San Pablo nangungusap at nagpapakita ka rin sa amin, sa pamamagitan ng mga bagay, tao, at pangyayari sa aming buhay. Nawa, tulad ni San Pablo, magkaroon din kami ng conversion, sa pamamagitan ng bukas na isip at puso, upang amin ding lalong maipahayag ang iyong Mabuting Balita. Amen. Sa ngalan po ng Pauline Family, Happy Feast Day of St. Paul!)  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 24, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Enero 25, 2024 – Huwebes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon

0:00 6:10

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 6 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 24, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!