Mabuting Balita l Enero 26, 2024 – Biyernes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Jan 25, 2024 · 5 MIN

Mabuting Balita l Enero 26, 2024 – Biyernes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Enero 26, 2024 – Biyernes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 4:26-34 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa. Tulog man siya o gising, sa gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi niya namamalayan. Nagbubunga ang lupa sa ganang sarili nito: una’y ang usbong, saka ang uhay at ang butil na humihitik sa uhay. At kapag nagbunga na ito, agad siyang magpapadala ng karit sapagkat sumapit na ang anihan. Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito maipakikilala? Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki ng higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon sa Langit.” Itinuro niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kanilang isipan. Hindi siya nagturo sa kanila nang hindi gumagamit ng mga talinhaga. Ngunit nilinaw niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang.    Pagninilay:    Ipinagdiriwang natin ngayon ang memorial nina San Timoteo at San Tito, mga kasamahan ni San Pablo sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.  Sina Timoteo at Tito ay pawang mga naging Obispo ng Santa Iglesya. Kilala natin sila, dahil sa mga ginawang sulat ni San Pablo para sa kanila. Sa diwa ng Mabuting Balita, sina Timoteo at Tito, ay kabilang sa pitumpu’t-dalawang hinirang ni Hesus at sinugong dala-dalawa sa mga bayan-bayan ng Israel. Sila rin ang kasagutan sa panalangin ni Hesus na: Idalangin n’yo sa panginoon ng ani na magsugo siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. Ngayong araw, hinihikayat tayo ng Santa Iglesiya, na tularan sila sa kanilang masigasig na pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Bagama’t kapos sa mga material na bagay: carry no money bag, no sack, no sandals, patuloy pa rin sila sa kanilang misyong gabayan, ang mga komunidad na itinatatag ni San Pablo. They bear their share of hardship for the sake of the Gospel.  Gayon din ang ginawa ni San Pablo. After establishing a new Christian community, Paul would move on to a new area to share the Gospel. He often asked Timothy or Titus to stay behind to support and encourage the new community in living their faith. Marahil pinili ni San Pablo sina Timoteo at Tito bilang kanyang mga katulong, dahil nakita niya kung gaano sila katiyaga sa kanilang gawain, at nakikiramay sila sa mga tao. We can also pray to these two saints, asking them to help us to become more patient and considerate in our daily lives, as they were. Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 25, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Enero 26, 2024 – Biyernes l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon

0:00 5:48

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 25, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!