EPISODE · Jan 26, 2024 · 5 MIN
Mabuting Balita l Enero 27, 2024 – Sabado l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Enero 27, 2024 – Sabado Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 4:35-41 Kinahapunan ng araw na iyon, sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Tumawid tayo sa kabilang ibayo.” Kaya iniwan nila ang mga tao at namangka silang kasama ni Hesus sa bangkang inuupuan niya. At may iba pang mga bangka na kasabay nila. At nagkaroon ng malakas na ipuipo. Hinampas ng mga alon ang bangka at halos lumubog na samantalang tulog siya sa kutson sa hulihan. Kaya ginising nila siya at sinabi: “Guro, halos mamamatay na tayo at balewala sa iyo!” Pagbangon niya, inutusan niya ang hangin at sinabi sa dagat: “Tumahimik, huwag kumibo.” Nabawasan ang hangin at nagkaroon ng ganap na kapayapaan. At sinabi niya sa kanila: “Napakatatakot ninyo! Bakit? Wala pa ba kayong paniwala?” Ngunit lalo silang nasindak at nag-usap-usap: “Sino ba ito na pati hangin at dagat ay sumusunod sa kanya?” Pagninilay: Bakit kayo natatakot?” Takot magtiwala. Takot magmahal. Takot masaktan. Takot umasa. Takot magkamali. Takot mamatay. At marami pang uri ng takot na maaaring totoo o kathang-isip lang. Kaakibat ng takot ang kawalan ng pag-asa, depresyon, at labis na pag-aalala. Dahil sa takot, mailap para sa atin ang kapayapaan at kapanatagan ng puso at isipan. Sa isang banda, may kabutihan din naman ang takot. Dahil sa takot, nakakaiwas tayo sa mga bagay, tao, o sitwasyon na makakapagpahamak sa atin. Dahil sa takot, naaalala natin na sa lahat ng bagay, kinakailangan natin ang tulong ng Diyos. Sa kanya lang tayo makakatagpo ng tunay na kapayapaan. Tulad ng mga alagad, lapitan natin si Hesus sa tuwing binabayo ng matinding hangin at unos ang ating buhay. Huwag nating sabihing: “Simple lang naman ang problema ko. Busy ang Diyos san mas malalaking bagay.” Para sa Diyos, walang malaki o maliit na problema kung buong kababaang loob na idudulog sa kanya. Kapanalig, importante ka. Importante tayo. Agad babangon si Hesus at sasabihin sa hangin ang ating mga alalahanin, “Tigil!” at sa lawa ng naguguluhan nating puso, “Tumahimik ka!”. “Hanggang ngayon ba’y wala pa rin kayong pananampalataya?” Manalangin tayo: Panginoon, maging lakas ka namin sa tuwing nakakaramdam kami ng takot at panghihina ng loob. Maramdaman nawa namin ang iyong presensya sa kabila ng dilim ng kawalan ng pag-asa. Patibayin po ninyo ang aming pananampalataya. Amen.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Enero 27, 2024 – Sabado l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.