EPISODE · Jan 28, 2024 · 5 MIN
Mabuting Balita l Enero 29, 2024 - Lunes l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Enero 29, 2024 - Lunes Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 5:1-20 Dumating si Hesus at ang kanyang mga alagad sa lupain ng mga taga-Gerasa sa kabilang ibayo, at pag-alis niya sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa mga libingan. Sa mga puntod siya nakatira at di siya maigapos kahit na ng mga kadena. Madalas nga siyang ikinakadena at ipinuposas ang mga paa ngunit nilalagot niya ang mga kadena at sinisira ang mga posas sa paa kaya walang makasupil sa kanya. Nasa kaburulan siya araw gabi, sa mga libingan. Nagsisisigaw siya at sinasaktan ang sarili sa mga bato. Pagkakita nito kay Hesus sa malayo, patakbo itong lumapit at nagpatirapa sa harap niya at sumigaw: “Ano ang kailangan mo sa akin Hesus na Anak ng Diyos? Hinihiling ko sa iyo sa ngalan ng Diyos na huwag mo akong pahirapan. Hukbo nga ako marami kasi kami.” At hiningi niya kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon. Maraming baboy na nanginginain doon sa burol. Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: ''Ipadala mo kami sa mga baboy at papasok kami sa mga iyon.'' At pinahintulutan sila ni Hesus. Kaya pagkalayas ng mga demonyo'y pumasok ang mga ito sa mga baboy; at nahulog sa bangin ang mga baboy papuntang dagat at nalunod na lahat. Tumakas naman ang mga nagbabantay sa mga baboy. At ipinamalita nila ang lahat sa bayan at sa mga bukid. Naglabasan ang mga tao upang alamin ang nangyari. Kaya pinuntahan ng mga ito si Hesus at nakita nila ang dating inaalihan ng demonyo na nakaupo at nakadamit, matino na siya na sinapian ng hukbo. Kaya natakot sila. Ibinalita naman sa kanila ng nakakita kung ano ang nangyari sa inalihan ng demonyo at pati sa mga baboy. Kaya't hiniling nila kay Hesus na umalis sa kanilang lupain. Pagsakay ni Hesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang inalihan ng demonyo na isama siya. Ngunit hindi siya pinayagan ni Hesus, kundi sinabi niya: ''Umuwi ka sa iyong mga kamag-anak at ipamalita sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at ang pagkahabag niya sa iyo. ''Kaya umalis ang tao, at sinimulang ipahayag sa buong lupain ng Decapolis ang lahat ng ginawa sa kanya ni Hesus, at namangha ang lahat. Pagninilay: Lahat ba ng inaalihan ng evil spirit ay masasamang tao? Meron akong isang kaibigang madasalin, mabait at mapagkawanggawa. Napasukan siya ng evil spirit habang nag-aatend sa isang meeting. Pansinin ninyo, mga kapanalig, hindi lang mga masasamang tao ang nilalapitan ng evil spirit; pati ang mga madasalin at nagsisikap na magpakabait. Alam ninyo kung paano na-set free ang aking kaibigan? Sa loob ng ilang araw, ni-recite niya: “Jesus, I love you,” tuloy tuloy araw gabi! And the mighty name of Jesus freed her! Tayo ay alipin ng ating mga masasamang hilig, at tinutukso palagi ng mundo at ng demonyo. Gusto natin ang victory? Let’s call on Jesus. Siya lang ang may kapangyarihang makapagpalaya sa atin. Speak the mighty name, na ayon kay San Pablo, ang pangalang higit sa anumang pangalan at niluluhuran ng lahat sa langit, sa lupa at sa ilalim ng lupa at ipapahayag ng lahat na dila na si Hesukristo ang Panginoon sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama. Amen. Jesus, I love you!
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Enero 29, 2024 - Lunes l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.