Mabuting Balita l Enero 30, 2024 - Martes l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Jan 29, 2024 · 5 MIN

Mabuting Balita l Enero 30, 2024 - Martes l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Enero 30, 2024 - Martes Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 5:21-43 Pagkatawid ni Hesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkulumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat. At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay.” Kaya umalis si Hesus kasama n’ya at sumunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya. Nagsasalita pa si Hesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniistorbo ngayon ang Guro?” “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.” At wala s’yang pinayagang sumama sa kanya liban kina Pedro, Jaime at Juang kapatid ni Jaime. Pagdating nila sa bahay nakita n’ya ang kaguluhan, may mga nag-iiyakan at labis na nagtataghuyan. Pumasok si Hesus at sinabi: “Bakit nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” At pinagtawanan nila siya. Ngunit pinalabas ni Hesus ang lahat, at ang ama at ang ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan. Pagpasok niya sa kinaroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ang ibig sabihi'y ‘Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.’ At noon di'y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Hesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata.     Pagninilay: Muling pinatunayan ng Mabuting Balita ngayon ang kahalagahan ng pananampalataya sa ating Panginoon Hesus. Hinihikayat tayo nito na manatili ang ating pagtitiwala sa Diyos. Ang ating malalim na relasyon sa Diyos ay lalaging nagbibigay sa atin ng pag- asa. Mga kapanalig, ang babae na labindalawang taon nang inaagasan ay gumaling dahil sa kanyang pananalig. Hindi ba’t sinabi ng Panginoong Hesus sa kanya “Anak, iniligtas ka dahil sa iyong pananampalataya.” Ang anak ng Puno ng Sinagoga na si Jairo ay nagpatirapa sa paanan ng ating Panginoong Hesus upang pagalingin ang kanyang Anak, pero ito palang anak niya ay patay na. Ang ating Panginoong Hesus mismo ay nagsabi sa kanya “Huwag kang matakot, sumampalataya ka lamang.”  Mga kapanalig, ang pintuan ng tulong ng ating Panginoong Hesus ay nakasalalay sa lalim ng ating pananampalataya, pagtitiwala at pag-asa sa Kanya. Ito ang pinanghahawakan ko sa tuwing may pinagdadaan ako sa buhay, katulad ng karanasan ko at ng aking pamilya, kamakailan.  Ang kapatid naming bunso ay mga apat na taon nang may sakit sa puso. Dumadalas na ang paninikip ng kanyang paghinga. Nakiusap siya sa amin na kung maaari, maipagamot na sya. Dahil kailangan na siya’y sumailalim sa ‘angiogram procedure,’ upang malaman kung ano ang status ng kanyang puso, buong pagmamahal namang nagpadala ng tulong ang aming ate. Matapos ang ‘angioram procedure,’ sinabi ng doktor, na mangangailangan ang kapatid namin ng bypass heart surgery. Parang lumaki ang aking ulo at napaiyak ako habang kausap ang doktor. Sinabi ng doktor na gagawan ng paraan, at hahanapan ng tulong ang kapatid naming, para maisagawa ang bypass heart surgery.  Sa ngayon, buo ang aming tiwala na magbubukas ang pintuan ng awa at habag ng Panginoong Hesus. Darating ang tulong ng Panginoong Hesus sa tamang panahon. Amen  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 29, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Enero 30, 2024 - Martes l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon

0:00 5:22

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 29, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!