EPISODE · Jan 30, 2024 · 5 MIN
Mabuting Balita l Enero 31, 2024 - – Miyerkules l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Enero 31, 2024 – Miyerkules l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 6:1-6 Pumunta si Hesus sa kanyang bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Nang sumapit ang Araw ng Pahinga, nagsimula siyang magturo sa sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: ''Ano't nangyari sa kanya ang lahat ng ito? Saan kaya galing ang karunungang ito na ipinagkaloob sa kanya, at saan din kaya galing ang mga himalang ito na nagagawa ng kanya mga kamay? Hindi ba't siya ang karpintero? Ang anak ni Maria at kapatid nina Jaime, Jose, Simon at Judas? Hindi ba't narito sa piling natin ang lahat niyang kapatid na babae?'' At bulag sila tungkol sa kanya. Sinabi naman sa kanila ni Hesus: ''Sa kanyang sariling bayan lamang, sa sariling kamag-anakan at sambahayan hinahamak ang isang propeta.'' At wala siyang ginawang himala roon. Ilang maysakit lamang ang pinagaling niya sa pagpapatong ng kamay. At namangha siya sa kawalan nila ng paniniwala. Pagninilay: What makes our heart heavy? Mayroon po akong tatlong sagot. Una, our heart becomes heavy when we have closed minds. Sarado ang isip. Minsan kahit alam nating makabubuti pero ayaw nating tanggapin, dahil maaring masyado tayong mapagmataas, o bias tayo. Ikalawa, our heart becomes heavy when we are attached to everyone’s applause—people pleaser. Kailangan ako lagi ang magaling, kailangan ako’y walang bahid ng kasamaan. Ikatlo, our heart becomes heavy when we have closed hands. Takot magbigay, parang laging mauubusan. Sinasabi nga di ba, hands are the extensions of our hearts. Kaya kung ayaw umibig ng puso, sarado, sarado din ang ating mga kamay. Sa ating Mabuting Balita ngayong araw, tila sarado ang mga taong nakapakinig ng mga turo ni Hesus. Sarado ang isip—kaya ang kanilang pagkamangha’y naging pagdududa. Ayaw malamangan, kaya busy silang pag-usapan ang mga pwedeng ipanghatak pababa kay Hesus. Sarado ang kanilang kamay—hahamakin si Hesus! Pero nakakagulat ang commentaryo ng ebanghelista sa nangyaring ito. Pagkatapos ng lahat, NAMANGHA pa din si Hesus sa dahilan ng labis nilang pagdududa. Mga kapanalig, ano ang sinasabi sa atin ng Mabuting Balita ngayong araw? Hindi maikukubli ang bawat bagay na totoo at mabuti na galing sa Diyos. Walang makakapigil sa mabuting hangarin ng Diyos. Kahit na ang kapangahasan ng tao.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Enero 31, 2024 - – Miyerkules l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.