Mabuting Balita l Enero 5, 2024 – Biyernes episode artwork

EPISODE · Jan 4, 2024 · 5 MIN

Mabuting Balita l Enero 5, 2024 – Biyernes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Enero 5, 2024 – Biyernes Ebanghelyo: Juan 1:43-51 Natagpuan ni Felipe si Natanael at sinabi nito sa kanya: “Ang tinutukoy ni Moises na nakasulat sa Batas at Mga Propeta, siya ang natagpuan namin – si Hesus na anak ni Jose, na taga Nazaret.” “May mabuti bang galing sa Nazaret?” “Halika’t tingnan mo.” Nakita ni Hesus na palapit sa kanya si Natanael at sinabi niya tungkol sa kanya: “Hayan ang tunay na Israelitang walang pagkukunwari.” “Paano mo ako nakilala?” “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, habang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.” “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” “Sinabi ko lang sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos, at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang makikita mo. Talagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong nakabukas ang Langit at panhik-panaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.”   Pagninilay: Nazaret? May magaling bang bagay na manggagaling doon? Aminin man natin o hindi, ang ilan sa atin ay may mga biases o pagkiling sa ating pakikitungo sa kapwa. May mga pinapaboran tayo, meron din namang ayaw talaga natin sa isang tao.  Kahit sinisikap nating maging pantay-pantay sa pakikitungo sa bawat isa, lalabas at lalabas pa rin ang pag uugali nating may pagkiling o pagtatangi sa iilan.  Kapanalig, kung meron man tayong mga pagkiling o biases, sa ating pakikitungo sa ating kapwa, sikapin nating huwag itong pairalin, upang huwag humantong sa pagkakawatak-watak at diskriminasyon laban sa iba. Sinasabi nga sa sulat ni Santiago, “Mga kapatid ko, kung may pananampalataya kayo sa maluwalhati nating Panginoong Hesukristo, huwag sana kayong magtatangi sa mga tao. Ang pagkiling o pagtatangi ay isang malubhang kasalanan. Hindi ito inaayunan ng Diyos. Tinuturuan din tayo ni Apostol Santiago, na ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pag ibig natin sa ating sarili. Sinasabi din nya sa kanyang sulat: “kung nagtatangi-tangi kayo, nagkakasala kayo at nahatulan na, sa inyong paglabag sa batas”.   Mga kapanalig, matuto nawa tayong tumingin sa iba, kung papaano sila tinitingnan ng Diyos. At tingnan ang mga pangyayari sa ating buhay, sa lente o paraan ng pagtingin ng Diyos. Umpisahan natin ito sa ating mga puso. Let us confess our sins of prejudice and biases. Hilingin natin ang tulong ng Diyos, na pagkalooban tayo ng Kanyang mata upang makita ang ating kapwa, gaya nang pagtingin Niya sa kanila.  At gamitin nawa tayo ng Diyos upang tulungan ang ating kapwa na makipagkasundo sa isa’t isa, lalo’t higit, makipagkasundo sa Diyos.  Amen.    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jan 4, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Enero 5, 2024 – Biyernes

0:00 5:50

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on January 4, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!