EPISODE · Jan 8, 2024 · 5 MIN
Mabuting Balita l Enero 9, 2024 – Martes l Unang linggo ng Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Enero 9, 2024 – Martes l Unang linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 1: 21-28 At pumunta sila sa Capernaum. At nagturo siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga. Nagulat ang mga tao sa kanyang pangaral sapagkat nangaral siya nang may kapangyarihan, hindi gaya ng mga guro ng Batas. May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng isang maruming espiritu. Sumigaw ito: “Ano ang kailangan mo sa akin, Hesus na taga Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka: Ang Banal ng Diyos.” “Tumahimik ka’t lumayas sa kanya.” Matinding niyugyog ng espiritu ang taong iyon at pagkasigaw nang malakas ay saka lumabas. Talagang takang-taka ang lahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Isang bagong pagtuturo na may kapangyarihan! Inuutusan niya kahit maruruming espiritu at sinusunod nila siya.” At lumaganap ang katanyagan niya saan man sa buong lupain ng Galilea. Pagninilay: Sa Mabuting Balita ngayon ang mga tao sa sinagoga’y namangha kay Hesus, dahil iba ang kanilang narinig at bago sa kanila ang katuruan ni Hesus. May awtoridad sa pagtuturo ni Hesus, dahil ginagawa niya ang kanyang sinabi. Jesus walks his talk. Madalas, kapag magsasalita o magbibigay ng komento ang isang institusyon o indibidwal, ang una nating tinitingnan, ay ang kanyang integridad at kredibilidad. Kapag hindi naaayon ang sinasabi sa kanyang buhay - kumikilos ng may double standards, nabubuhay sa pagkukunwari, at doble kara - binabatikos natin. Bilang tao, nais nating mabuhay sa tama at katotohanan. Ito ang hamon sa atin, mabuhay nang naaayon sa turo ni Kristo. Jesus’ authority is even acknowledged by the man with an “unclean spirit” saying, “What have you to do with us, Jesus of Nazareth? Have you come to destroy us? I know who you are-the Holy One of God.’ Mga kapanalig, tulad ng lalaking inaalihan ng masamang espiritu, tayo rin ay may mga unclean spirits mga addictions at vices. If we fail to offer these to Jesus, who can liberate us from these forces. They will forever enslave us, and will forever torment us. Mayroong dalawang kahihinatnan sa paggamit ng awtoridad: Ang mangibabaw (dominate) o ang magpalaya (liberate). Ginagamit ni Hesus ang kanyang awtoridad sa wasto. Pinalalaya niya ang mga tao mula sa kamangmangan, habang itinuturo niya sa kanila ang katotohanan. Pinalaya niya ang mga tao mula sa pagkaalipin ng masasamang espiritu, habang malumanay niyang pinagagaling ang mga ito. Ito ang hamon sa atin: Paano gamitin nang responsable ang awtoridad na mayroon tayo – to dominate or liberate? Amen. - Fr. Byan Tayag, SSP l Society of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Enero 9, 2024 – Martes l Unang linggo ng Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.