Mabuting Balita l Hulyo 1, 2023 – Sabado episode artwork

EPISODE · Jun 30, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 1, 2023 – Sabado

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 1, 2023 Sabado sa Ika-12 Linggo sa karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 8:5–17 Pagdatingni Hesus sa Capernaum lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya:“Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong.Lumpo siya at sobra na angpaghihirap.” “Paroroon ako at pagagalingin ko siya.” “Panginoon, hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. Mababa nga lang ang ranggo ko, pero kapag sinabi ko sa isa sa mga kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,’ pumaparoon siya. At sinasabi ko naman sa isa pa: ‘Pumarito ka,’ at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa niya ito.” Nang marinig ito ni Hesus, humanga siya at sinabi sa mga sumusunod sa kanya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. Sinasabi ko sa inyo: marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng Langit.”  Pagkaalis n’ya sa sinagoga tumuloy si Hesus sa bahay nina Pedro at Andres kasama sina Jaime at Juan. Doo’y nakahiga ang biyanan ni Pedro at may lagnat at agad nila itong sinabi kay Hesus. Kaya lumapit s’ya, hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Iniwan ng lagnat ang babae at ito mismo ang naglingkod sa kanila. Pagkalubog ng araw, ng dumidilim na, dinala nila kay Hesus ang lahat ng may sakit o inaalihan ng masamang espiritu. Nasa may pintuan nga ang buong bayan, maraming may iba’t-ibang sakit ang pinagaling ni Hesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas. Ngunit hindi n’ya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino s’ya.   Pagninilay: Mga kapanalig, muling pinatunayan ng Mabuting Balitang ating narinig ang kahalagahan ng matatag na pananalig sa Diyos.  Kapag may isinusumamo tayong kahilingan sa Panginoon, i-claim na natin, na natanggap na ito, at magpasalamat; at tiyak na ipagkakaloob ng Diyos ang taimtim na hangarin ng ating puso, kung tunay itong makakabuti sa atin.  Lagi lang tayong maging bukas na tanggapin, anuman ang Kanyang tugon sa ating pagsamo, dahil bilang ating Panginoon at Tagapagligtas – God knows what is best for us His children.  Sa ating Mabuting Balita, humanga ang Panginoong Hesus sa malalim na pananampalataya, pagtitiwala at kababaang-loob ng kapitan.  Bagamat isang pagano at pinuno ng mga kawal, nagpakumbaba siya at nakiusap kay Hesus na pagalingin ang kanyang katulong na dumaranas ng matinding hirap.   Labis siyang nahabag sa kanyang katulong.  Malasakit at kalinga ang nanaig sa kanya upang magsumamo kay Hesus para sa kagalingan ng kanyang katulong.  Dahil dito, humanga si Hesus sa pananalig ng kapitan, at iginawad nga niya ang kagalingan ng kanyang katulong.  Mga kapanalig, anong mga aral ang mapupulot natin sa Mabuting Balita?  Una, Pananampalataya at pagpapakumbaba!  Ito ang mga susi upang dumaloy sa atin ang habag at pagpapala ng Diyos.  Kaya anumang suliranin ang pinagdadaanan natin sa mga sandaling ito, buong kababaang-loob tayong dumulog sa Diyos. Magsumamo at ipahayag ang ating lubos na pagtitiwala na kung wala Siya, hindi natin kakayanin ang mga pagsubok na ating nararanasan.  Ikalawa, malasakit at habag sa mga taong naglilingkod sa atin.  Sila din naman aymga taong katulad natin, na minahal at pinag-alayan ng buhay ng ating Panginoong Hesukristo. Nakakaangat man tayo sa buhay ngayon, pero pagdating ng takdang panahon na makikipagharap tayo sa Diyos, pagkatapos ng buhay natin sa mundo – we share the same destiny, parehas tayong mamamatay at susulitin ng Diyos, kung namuhay ba tayo sa pagmamahal.  At ang ikatlo, nalalaman ng Diyos ang taimtin na hangarin ng ating puso at kung ano ang tunay na makakabuti sa atin.  Kaya ibigay natin sa Kanya ang lubos na pagtitiwala at pag-asa, at bukas-loob nating tanggapin anuman man ang tugon Niya sa ating mga pagsamo.     -Sr. Lines Salazar, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 30, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 1, 2023 – Sabado

0:00 4:26

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on June 30, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!