Mabuting Balita l Hulyo 11, 2023 – Martes episode artwork

EPISODE · Jul 10, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 11, 2023 – Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 11, 2023 Martes ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 9:32-38 May nagdala kay Hesus ng isang lalaking pipi na inaalihan ng demonyo. Nang mapalayas niya ang demonyo, nakapagsalita ang pipi kaya namangha ang mga tao at kanilang sinabi: “Wala pang nangyaring ganito sa Israel.” Ngunit sinabi naman ng mga Pariseo: “Nagpalayas siya ng demonyo sa tulong ng pinuno ng demonyo.” At nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, nagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lupaypay na parang mga tupang walang pastol. At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.”   Pagninilay: Sabi nila, kapag nabuhay tayo sa sabi, sa puna at batikos ng iba, kailanman ay hindi tayo sasaya. Lagi namang may sasabihin ang iba, laging may puna, laging may komento. Pero sa halip na pansinin ang mga sinasabi ng iba, nakatuon ang pansin ni Hesus sa mga hinaing ng mga nangangailangan ng kanyang pagtulong. Ito ang halimbawang ipinapaalala sa atin sa araw na ito. Focus tayo sa pagtulong, sa pagbibigay ng sarili sa nangangailangan, sa paglalaan ng panahon sa mga nahihirapan. Doon mas nagkakaroon ng saysay at halaga ang ating pagpapagal at pagsisikap. Mga kapanalig, sadyang napakarami ng aanihin, pero kakaunti ang tagapag-ani. Yung iba kasi, napako na sa kakakomento at kakapuna. Hindi sila nakatutulong, wala na sa kanila ang pagsisikap na tumulong sa kapwa. Sabi nga ng aking guro sa pilosopiya, na si Padre Roque Ferriols, isang Heswita, “Masasabi na ang lahat ng masasabi, pero ang pinakamahalaga ay hindi masasabi, magagawa lamang.” Mas mahalaga na makagawa ng mabuti sa kapwa, makatulong sa maysakit at makapagbigay sa nangangailangan. Tiyak na mas higit ito sa kahit ano pa mang masasabi o komento ng iilan. Ang tunay na sukatan ng pag-ibig sa Diyos at kapwa ay higit sa ano pa mang pananalita, masasalamin at mababanaagan ito sa ganap at taos pusong paggawa.   - Rev. Buen Andrew Cruz, SSP l Society of St. Paul      

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 10, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 11, 2023 – Martes

0:00 4:34

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 10, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!