EPISODE · Jul 11, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Hulyo 12, 2023 – Miyerkules
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Hulyo 12, 2023 Miyerkules ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 10:1-7 Tinawag ni Hesus ang Labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasinang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan; sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tagasingil ng buwis; si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya. Sinugo ni Hesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: “Huwag kayong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Samaritano. Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang Kaharian ng Langit Pagninilay: Mga kapanalig, sa araw na ito muli tayong pinapaalalahanan ng Panginoong Hesus ng ating misyon, tulad ng misyon na ibinigay niya sa kanyang mga alagad. Sa Mabuting Balita, narinig natin ang mga pangalan ng labing dalawang alagad o “Apostles” na sinugo ng Panginoon sa misyon – “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos.” At kasunod nito ang pagbilin sa kanila na hanapin ang mga nawawalang tupa ng Israel o ang mga taong nawawala sa kanilang landas at pananampalataya sa Diyos. Ang misyon na ipalaganap o ipangaral ang mabuting balita ng Panginoon ay para sa ating lahat na mga binyagan. Hindi lamang ito para sa mga pari, madre, relihiyoso at “missionaries”. Nang tayo’y bininyagan at naging mga anak ng Diyos, may kaakibat itong misyon, isang responsibilidad natin bilang mga Kristyanong katoliko. Sa ating pagsimba, naririnig natin sa pagtatapos ng Misa ang “humayo kayo at ipalaganap ang mabuting balita”. Napakahalagang tandan at gawin natin ang atas na ito. Ano ba ang ating ipapalaganap, ipapangaral o ibabahagi sa ating kapwa? Ang pagmamahal ng Diyos, ang mga aral na natutunan natin sa mga pagbasa, lalo na sa mismong Mabuting Balita na nagbibigay sa atin ng liwanag o pag-asa ng buhay. Makinig din tayo sa homiliya ng pari upang mapalalim ang ating pagkaintindi ng Salita ng Diyos at maisabuhay ito. Nawa’y tanggapin natin ang Mabuting Balita na biyaya ng Diyos, at sikaping maisabuhay at maibahagi ito sa ating kapwa sa tulong ng Banal na Espiritu. Manalangin tayo: Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya! Nais po naming sumunod sa iyong kalooban na gawin ang misyon na ibinigay ninyo sa amin. Tulungan mo po kaming maibahagi ang iyong Mabuting Balita lalo na sa mga hindi pa nakakarinig nito at nawawala sa landas. Hinihiling din po namin na gawin mo kaming instrumento at saksi ng iyong pagmamahal sa aming pamilya at kapwa, amen. - Sr. Mennen Alarcon, FSP l Daughter’s of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Hulyo 12, 2023 – Miyerkules
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.