Mabuting Balita l Hulyo 13, 2023 – Huwebes episode artwork

EPISODE · Jul 12, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 13, 2023 – Huwebes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 13, 2023 Huwebes ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo:  Mt 10:7-15 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang Kaharian ng Langit’. Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may ketong at palayasin ang mga demonyo. Ibigay n’yo nang walang bayad ang tinanggap n’yo nang walang bayad. Huwag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandalyas o tungkod sapagkat nararapat ang manggagawa sa kanyang ikabubuhay. Pagdating n’yo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at sa kanya makituloy hanggang sa inyong pag-alis. Pagpasok n’yo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. Kung karapat-dapat ang sambahayang ito, sasakanila ang kapayapaang dinasal n’yo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal. At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo o makikinig sa inyong mga salita, lumabas sa bahay o bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo, mas magiging magaan pa sa araw ng paghuhukom para sa mga taga-Sodom at Gomorra kaysa bayang iyon.”   Pagninilay: Sa pamamagitan ni Hesus, naghahari na ang Diyos sa mundo. Pero dahil patuloy tayong nakikipagtunggali sa kasalanan, patuloy rin itong nagiging ganap. Gayunpaman, nakasisigurado tayo na sa huli, ang kabutihan at pag-ibig pa rin ang mananaig, dahil napuksa na ni Hesus ang kapangyarihan ng kasalanan at tayong lahat ay tutungo sa buhay na walang hanggan.  Mga kapanalig, bagama’t hindi tayo kailangan ng Diyos, minarapat Niyang maging kabahagi tayo sa Kanyang misyon, na ipalaganap ang Kanyang paghahari dito sa mundo. Tatanggihan ba natin angpribilehiyong ito?  Nawa’y makipagtulungan tayo sa mga gawain ng Diyos. Dahil sa huli, tayo rin ang maiiwan kung hindi tayo makikipagtulungan sa Kanya. Gamitin natin ang pag-ibig, bilang sandata natin sa paghihiganti sa ating mga kaaway. Pagmamahal ang isukli natin sa bawat pangungutya at pang-aalipusta sa atin ng iba. At ibigay natin ang ating buong sarili, kahit na madamot ang iba. Maging tulad nawa tayo ni Hesus. Maging misyon nawa natin ang misyon niya. Amen.   - Fr. Oliver Par, SSP l Daughter’s of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 12, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 13, 2023 – Huwebes

0:00 4:02

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 12, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!