Mabuting Balita l Hulyo 14, 2023 – Biyernes episode artwork

EPISODE · Jul 13, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 14, 2023 – Biyernes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 14, 2023 – Biyernes Biyernes ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 10:16-23 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Isinusugo ko kayo ngayon na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Maging matalino nawa kayo gaya ng mga ahas at walang-malay ng parang mga kalapati. Mag-ingat sa mga tao; ibibigay nga nila kayo sa mga sanggunian at hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga. Dadalhin din nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano. Pag iniharap naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo’y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagkat hindi kayo magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan n’yo. Ipapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang ninyong matatag hanggang wakas doon kayo maliligtas. Kung uusigin kayo sa isang bayan, tumakas kayo at pumunta sa kabilang bayan. Sinasabi ko sa inyo, bago ninyo matapos daanan ang lahat ng bayan sa Israel, darating na ang Anak ng Tao.”   Pagninilay: Ang Ebanghelyong narinig natin ay karugtong ng Ebanghelyo kahapon at noong makalawa. Ang pagsusugo ng Panginoong Hesus sa mga alagad na ipangalat ang Mabuting Balita. At binigyan pa sila ng kapangyarihang magpagaling ng mga may sakit, ng mga inaalihan ng masasamang espiritu o demonyo, at kahit ang bumuhay ng mga patay. Sa madaling salita, isinugo ni Hesus ang Kanyang mga alagad para sa isang misyon.  Pero sa ating Mabuting Balita ngayon, nagbibigay ang Panginoon ng mga babala o warning sa kanilang isasagawang misyon. Tunay na hindi madali noon, at kahit sa panahon natin ngayon ang magsalita, tungkol sa katotohanan. Ilan ba sa atin ang naisasantabi o binabalewala, dahil sa pagsasalita ng isang bagay na tama o totoo, dahil hindi ‘yon matanggap ng iba, lalo na ng mga taong gumagawa ng mga bagay na taliwas sa turo ng Diyos? Mga kapanalig, sana’y hindi tayo panghinaan ng loob sa pagsasabi ng nararapat, at paggawa ng mabuti sa ating kapwa, kahit na may mga taong hindi sumasang ayon sa atin. Sabi nga ni Hesus, “Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang n’yong matatag hanggang wakas, kayo maliligtas.” Manalig tayo sa Panginoon. Amen.   - SR. TINA MADRIGALLOS, fsp l Daughter’s of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 13, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 14, 2023 – Biyernes

0:00 4:11

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 13, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!