Mabuting Balita l Hulyo 16, 2023 – Linggo episode artwork

EPISODE · Jul 15, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 16, 2023 – Linggo

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 16, 2023 – Linggo Ika – 15 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 13:1-9 Umalis sa bahay si Hesus at naupo sa may dalampasigan. Ngunit maraming tao ang natipon sa paligid niya kaya sumakay siya at naupo sa bangka samantalang nakatayo naman sa pampang ang mga tao. At marami siyang ipinahayag sa kanila sa tulong ng mga talinhaga. At sinabi ni Hesus: "Lumabas na ang maghahasik para maghasik. Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at kinain ang mga iyon. Nahulog naman ang ibang buto sa batuhan at mababaw ang lupa roon. Madaling tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. Ngunit pagsikat ng araw, nasunog ito sa init at sapagkat walang ugat, natuyot ito. Nahulog ang iba pang buto sa mga tinikan. At nang lumago ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman. Nahulog naman ang iba sa matabang lupa at namunga: nagbunga ng sandaan ang iba, animnapu naman ang sa iba, at tatlumpu ang iba pa. Makinig ang may tainga!   Pagninilay: “Ang magtanim ay hindi biro”, sabi ng isang tradisyunal na awitin.  Totoo din ito sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos!  Hindi biro o hindi madali ang magpahayag ng Mabuting Balita dahil hindi ito laging tinatanggap ng mga tagapakinig.  Sa ating Mabuting Balita ngayon, ikinuwento ni Hesus ang talinghaga ng isang magsasaka na naghasik ng mga binhi na napadpad sa iba't ibang dako. May mga binhing hindi nagawang lumago dahil nahulog sila sa mga lupang hindi mainam para sa mga halaman.  Pero may mga binhing naging mabunga dahil nahulog sila sa matabang lupa, kung saan sapat ang mga sangkap upang lumago ang isang halaman. Mga kapanalig, hindi biro ang mga biyayang inihahasik ng Panginoon Diyos para sa atin.  Kaya naman dapat nating pagsikapang gawing “matabang lupa” ang ating puso, isipan at kaluluwa – ang ating buong pagkatao.  Alisin natin ang anumang magiging balakid upang matanggap natin ng maayos ang mga aral ng Mabuting Balita.  Huwag nating sayangin ang mga “binhi” o Salita ng Diyos na itinatanim sa atin.  Magbunga nawa ang mga aral nito sa atin.  Makita nawa ang mga bunga nito sa ating pag-iisip, pananalita at paggawa.   - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 15, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 16, 2023 – Linggo

0:00 4:01

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 15, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!