Mabuting Balita l Hulyo 19, 2023 – Miyerkules episode artwork

EPISODE · Jul 18, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 19, 2023 – Miyerkules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 19, 2023 Miyerkules ng Ika – 15 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 11:25-27 Nagsalita si Hesus sa pagkakataong iyon: “Pinupuri kita, Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.”             Pagninilay: Kapanalig, sa mga graduations na dinadaluhan ko, nato-touch ako sa tagpo ng pagpapasalamat. Lalo na noong graduation sa Schola Christi, yun bang tatakbo pa ang bata na dala-dala ang fresh Rose flower.  Ibibigay sa ama at sa ina at yayakap. Habang ang parents naman, mahigpit ding yayakap sa anak at pupugpugin ng halik. Sasabayan pa nito ng kantang “Thanks to you” by Tyler Collins. For example, sa first two lines, sinasabi sa awit na: “Thank you for teaching me how to love.  Showing me what the world means, that I’ve been dreaming of. “Expressive ang lyrics. Totoo na ang papuri at pasasalamat ay ang matamis na kaugalian na kailangan nating itreasure.  Sa pasasalamat natin sa Ama, hindi lang ito dahil sa mga benefits na nareceive natin o ang maging blessed sa buhay. Kundi kinikilala natin na ang Diyos ang focus at center ng ating pasasalamat at nasisiyahan tayo na pasalamatan Siya. Halimbawa, sa mga Panahon na lalo nating nakilala ang sarili natin, lalo nating natututuhan kung paanong magmahal kahit walang kapalit. Nabubunyag din sa atin kung ano ang kahulugan ng buhay dito sa lupa. Sa pagpupuri at pasasalamat sa Ama, kailangan ng personal na ugnayan sa Kanya. Kaya, madali nating mabibigkas ang “Thank you, Lord” sa bawat nagaganap sa atin. Kapag safe na nakarating sa pupuntahan, “Thank you, Lord”. Bago at pagkatapos kumain, “Salamat, Lord.”  Kapag naharap mo ang challenge with faith and courage, Praise God! Habang nireready ko ang reflections ko para ngayon, sinubukan ko ang ChatGPT Artificial Intelligence tungkol sa Prayer of Thanksgiving to God. Five seconds lang, may prayer of gratitude na sa harap ko. Impressive! Autogenerated at nakasalansan nang tama ang mga dapat pasalamatan sa Diyos. Maganda ang dasal, pero hindi ko kayang gamitin.  Paano tatanggapin ng Ama ang papuri ko kung hindi ito galing sa puso ko? Paano ko itong madadasal nang taos kung hindi ito nakabatay sa sarili kong karanasan at ugnayan sa Ama? Hindi ko maipagpapalit ang ginintuan at wagas na pasasalamat.  dahil mula ito sa kaibuturan ng aking pagkatao at budhi. Bukod pa rito, deserve ng ating Ama nang wagas na pasasalamat at papuri.  So, let us not settle for any artificial thanksgiving and praise to God, our Father.  In the first place, tunay at dalisay ang  lahat-lahat nang galing sa Kanya.     - Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughter’s of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 18, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 19, 2023 – Miyerkules

0:00 4:28

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 18, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!