Mabuting Balita l Hulyo 2, 2023 – Linggo  episode artwork

EPISODE · Jul 1, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 2, 2023 – Linggo

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 2, 2023 Linggo sa Ika 13-Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MATEO 10:37-42 Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Hindi karapat-dapat sa akin ang mas nagmamahal sa kanyang ama o ina kaysa akin. Hindi karapat-dapat sa akin ang mas nagmamahal sa kanyang anak kaysa akin. At hindi karapat-dapat sa akin ang sinumang hindi nagpapasan sa kanyang krus at sumusunod sa akin. Mawawalan ng kanyang sarili ang sinumang nagpapahalaga nito, at matatagpuan naman ito ng nawawalan ng kanyang sarili. Kung may tumatanggap sa inyo, tinatanggap din niya ako; at kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. Kung may tumatanggap sa isang propeta dahil propeta ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang propeta; kung may tumatanggap sa isang mabuting tao dahil marangal ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang mabuting tao. Kung may magpainom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa alagad ko ito, sinasabi kong hindi siya mananatiling walang gantimpala.   Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita ngayon, itinuturo ng ating Panginoong Hesus ang kahalagahan ng pagiging mapagmalasakit at bukas sa pagtanggap sa ating kapwa. Nangako siya na may tatanggaping gantimpala ang sinumang magsasabuhay nito.  Ang sinumang tumanggap sa kapwa, ay tinatanggap din ang Panginoon.  Ang sinumang gumagawa ng kabutihan sa kapwa, ay gumagawa ng kabutihan sa Panginoon.  Kaya naman napakahalagang wala tayong pinipili sa ating mga paglilingkuran at gagawan ng kabutihan.   Sa kabilang banda, ipinapangako rin ni Hesus na pagpapalain ang mga taong tumatanggap at tumutulong sa kanyang mga alagad. Binabanggit niya ang principle of reciprocity, kung saan ang mga tumatanggap at tumatangkilik sa mga alagad ng Diyos, mga propeta, at matuwid na tao ay tatanggap rin ng gantimpala at biyaya mula sa Diyos. Kahit ang pinakamaliit na gawa ng kabutihan at suporta, tulad ng pag-aalok ng isang baso ng malamig na tubig sa isang alagad, ay hindi maaaring hindi mapansin ng Diyos. Mga kapanalig, maliwanag ang paanyaya sa atin ng ating Mabuting Balita: ang maging mabuti sa kapwa.  Sa mundo kung saan nagkakanya-kanya ang marami at laging inuuna ang sarili, napakahalaga ng pagsaksi nating mga Kristiyano sa kagandahan ng pagiging mabuti, mapagmalasakit at mapagbigay sa ating kapwa.  Ipanalangin natin na sana ay magawa natin ito.  Amen.   - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 1, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 2, 2023 – Linggo

0:00 4:21

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 1, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!