Mabuting Balita l Hulyo 20, 2023 – Huwebes episode artwork

EPISODE · Jul 19, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 20, 2023 – Huwebes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 20, 2023 Huwebes ng Ika – 15 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 11:28-30 Sinabi ni Hesus: “Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawain ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin na mahinahon ako at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mabuti ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”   Pagninilay: Sa ating paglalakbay dito sa dagat ng buhay maraming iba’t ibang pamatok na dumarating sa atin. Oo, mga pamatok, mga pagsubok, mga hamon, mga bagay na susubukin ang ating kakayahan, ang ating pasensya, ang ating abilidad. Madalas nalalampasan natin, madalas ok lang tayo, minsan kinakaya na lang natin. Pero may mga pagkakataon at mga araw na nakararamdam din tayo ng pagod, ng panghihina at animo’y gusto nang sumuko. Halimbawa: tanungin natin, mabigat ba ang isang baso ng tubig? Ah siyempre hindi, kayang kaya nating hawakan ang isang baso ng tubig. Pero subukan mong hawakan ang isang baso ng tubing ng isang oras, ng dalawang oras, o ng isang buong araw? Hindi ba mapapagod ka rin, mangangalay ka rin? Ganito rin tayo sa mga pinagdadanan nating pagsubok, maliit man o malaki. Mga kapanalig, alam ng Panginoon ang ating pinagdadaanan. Alam niya kung gaano kabigat ang araw-araw nating nararanasan. Kaya nga inaanyayahan niya tayo na lumapit sa Kanya. Pangako Niya sa atin na maginhawa at magaan ang kanyang pamatok at pasanin. Liwanagin natin, hindi niya sinasabi na walang pagsubok o pasanin kung lalapit tayo sa kanya. Laging merong pagsubok sa buhay ng tao. Mayroong krus ang bawat isa na minsan ang bigat ay hindi masusukat at ang bunga sa puso at isip ay sadyang di ano lamang. Pero sinasabi ng Panginoon na bagamat mayroon siyang pamatok o pasanin, magaang ito, bakit? Dahil kapiling natin ang Diyos. Siguradong sasamahan at tutulungan niya tayo. Siya ang ating Mabuting Pastol na inaalalayan tayo sa pagdadala ng mga pasanin sa buhay, sa pag harap sa mga pagsubok. Kung ang mga pagsubok na ibinibigay ng mundo ay labis na ang bigat para sa atin, alalahanin natin, lumapit tayo kay Hesus, kasama natin ang Panginoon at kailanman ay hindi niya tayo pababayaan. Amen.   -  Rev. Buen Andrew Cruz, SSP l Society of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 19, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 20, 2023 – Huwebes

0:00 4:24

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 19, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!