Mabuting Balita l Hulyo 21, 2023 – Biyernes episode artwork

EPISODE · Jul 20, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 21, 2023 – Biyernes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 21, 2023 Biyernes ng Ika – 15 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 12:1-8 Naglakad si Hesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pahinga. Nagutom ang kanyang mga alagad at sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at kainin ‘yon. Nang mapansin ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Hesus: “Tingnan mo ang iyong mga alagad, gumagawa sila ng ipinagbabawal sa Araw ng Pahinga!” Ngunit sumagot si Hesus: “Hindi n’yo ba nabasa ang ginawa ni David noong magutom siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal sa kanya o sa kanyang mga kasama na kainin ito liban sa mga pari. At hindi n’yo ba nabasa sa Batas na sa Araw ng Pahinga, walang pahinga ang mga pari sa Templo pero wala silang kasalanan dahil dito? Sinasabi ko naman sa inyo: Dito’y may mas dakila pa sa Templo. Kung nauunawaan n’yong talaga ang salitang ito, ‘Awa ang gusto ko, hindi handog,’ hindi n’yo sana hinatulan ang walang-sala. At isa pa, ang Anak ng Tao ang Panginoon ng Araw ng Pahinga.”   Pagninilay: Mga kapanalig, narinig nating sinabi ng Panginoong Hesus sa Mabuting Balita: “Habag ang nais ko at hindi handog.” Nagutom at kumain ang mga alagad, sa Araw ng Pamamahinga. Pero sinabi ng mga Pariseo, na mahigpit na ipinagbabawal ng Kautusan ang kumain sa Araw ng Pamamahinga. Ang Kautusan ay patnubay o gabay sa ating buhay, pero kung mas pinapahalagahan ito, kesa sa buhay ng tao, hindi ito tama. Kung papansinin natin, ang mga “house rules and duties” ng bawat pamilya, naipapaliwanag ba ito bilang responsibilidad ng bawat isa? Kung may isang miyembro na hindi nakapaglinis ng bahay dahil sa schoolwork, hindi naman yata tama, na hindi pakainin ng buong araw. O kung sa opisina naman, na late ang empleyado dahil may sakit ang anak, hindi naman yata tama, na sigawan o tanggalin agad sa puwesto ang “casual worker”. Nawa’y sa araw-araw nating pakikitungo sa kapwa, manaig sa puso natin ang habag ng Diyos. Manalangin tayo:  Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya!  Lubos po kaming nagpapasalamat sa’yong wagas na pagmamahal, kahit hindi kami karapat-dapat.  Itulot Mo po na maging maunawain kami at mahabagin, sa pagkukulang ng aming kapwa. At makita din sana namin ang sariling pagkakamali at maiwaksi ito. Patawad po sa mga pagkakataong naging mapanghusga kami sa kahinaan ng iba.  Tulungan Mo po kaming maging Mapagpatawad at Mapagmahal, Amen.   - Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 20, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 21, 2023 – Biyernes

0:00 4:27

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 20, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!