Mabuting Balita l Hulyo 23, 2023 - Linggo episode artwork

EPISODE · Jul 22, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 23, 2023 - Linggo

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 23, 2023 Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 13:24–30 Binigyan ni Hesus ang mga tao ng isa pang talinhaga. “Naihahambing ang kaharian ng Langit sa isang taong naghasik ng mabuting buto sa kanyang taniman. At samantalang natutulog ang mga tauhan, dumating ang kaaway. Hinasikan nito ng masasamang damo ang taniman ng trigo at saka umalis. Nang tumubo ang mga tanim at nag-simulang mamunga ng butil, naglitawan din ang masasamang damo. Kaya lumapit sa may-ari ang mga katulong at sinabi: ‘Ginoo, di ba’t mabu-buting buto ang inihasik mo sa bukid, saan galing ang mga damo?’ Sinagot niya sila: ‘Gawa ito ng kaaway.’ At tinanong naman nila siya: ‘Gusto mo bang bunutin namin ang mga damo?’ Sinabi niya sa kanila: ‘Huwag, at baka sa pagbunot ninyo sa mga damo, mabunot pati ang trigo. Hayaan ninyo na sabay silang tumubo hanggang anihan. At doon ko sasabihin sa mga mag-aani: Bunutin ninyo muna ang mga damo, at bigkisin para sunugin; at saka kunin ang lahat ng trigo at tipunin sa aking kamalig.     Pagninilay: May dalawang magkaugnay na reyalidad ang nais sabihin ng talinhaga sa ating Gospel ngayon: UNA, NA TAYO’Y PATULOY NA NAKIKIPAGLABAN SA KASALANAN; AT IKALAWA, NA SA HULI’Y MANANAIG ANG KABUTIHAN. WALANG MAKAHAHADLANG SA PLANO NG DIYOS UPANG MAGING GANAP ANG KANYANG PAGHAHARI DITO SA MUNDO. Ikakalat at ikakalat ng Diyos ang kanyang salita at gawa sa mundo upang maging ganap ang kapayapaan, katarungan, at pag-ibig, kahit na anupaman ang maging pagtanggap natin dito. Pero, huwag kang pakampante dahil sa araw ng paghuhukom, tanging ang mga nanatiling tapat ang siyang makakasama ng Diyos. Kapanalig, ano ang dapat mong gawin habang may panahon ka pa dito sa mundo? Huwag kang pagagamit sa kasamaan, piliin mo lagi ang kabutihan. MAGING MATATAG KA AT HUWAG PAPADALA SA UDYOK NG KASALANAN. Sa pang araw-araw nating buhay, kinakailangan nating mag desisyong pumili sa pagitan ng pang-aapi o pagtulong? Galit o pagmamahal? Poot o pagpapatawad? buhay o kamatayan? At alam natin kung alin sa mga ito ang magdadala sa atin patungo sa Diyos: Pagtutulungan, pagmamahalan, pagpapatawad, at buhay.  Manalangin tayo: Panginoon, nawa’y lagi akong gabayan ng Iyong Espiritu, na piliin ka lagi sa anumang oras at anumang pagkakataon. Makapiling nawa kita sa huling sandali ng aking buhay.  Amen.    - Fr. Oliver Par, SSP l Society of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 22, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 23, 2023 - Linggo

0:00 4:20

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 22, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!