Mabuting Balita l Hulyo 25, 2023 - Martes episode artwork

EPISODE · Jul 24, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 25, 2023 - Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 25, 2023 Martes ng Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 20:20-28 Nang umakyat si Hesus sa Jerusalem, isinama niya ang Labindalawa. At habang nasa daan ay sinabi n’ya sa kanila, “Papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga punong pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanyang kamatayan. Kaya ibibigay nila s’ya sa mga pagano para pagtawanan, hagupitin at ipako sa krus; ngunit babangon s’ya sa ikatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus ang ina nina Jaime at Juan, kasama ang dalawa niyang anak at lumuhod sa harap n’ya para makiusap. Tinanong s’ya ni Hesus, “Ano ang ibig mo?” “Narito ang dalawa kong anak, iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa sa iyong kaharian.” “Hindi n’yo alam ang inyong hinihingi, maiinom n’yo ba ang kalis na iinumin ko?” “Kaya namin.”  “Totoong iinom din kayo sa aking kalis ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa para iyon sa mga hinirang ng Ama.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. Kaya tinawag sila ni Hesus at sinabi, “Alam n’yo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Hindi ganito sa inyo. Ang may gustong maging dakila, s’ya ang maging lingkod n’yo. Ang may gustong mauna sa inyo, s’ya ang maging alipin n’yo. Gayundin naman dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang Buhay bilang pagtubos sa marami.”     Pagninilay: Ipinagmamalaki natin sa buong mundo na ang Katoliko Kristyano ang pinaka-malaki at may pinaka-maraming miyembro. Ipinagmamalaki natin na tayo ay Kristyano.  Oo Kristyano tayo pero ang tanong: “Kristyano ba tayo sa pangalan lang o Kristyano tayo kasi tunay tayong tagasunod ng ating Panginoong Hesukristo?” Sa ating Mabuting Balita, ito rin ang tinatanong ng ating Panginoong Hesukristo: “Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?”  Mga kapanalig, ang pagsunod sa ating Panginoong Hesukristo ay hindi parang Insurance Company, na kapag sumunod tayo sa Kanya ay ligtas na tayo sa mga paghihirap. Alalahanin natin na kung ang ating Panginoon ay hinarap ang hirap, asahan natin na tayo din, ay hindi ligtas na harapin ang mga ito.   Ang isa pa sa mga tanda ng pagsunod sa ating Panginoong Hesukristo ay ang pagsisilbi. Hindi natin pwedeng sabihin na mahal lang natin ang Panginoon pero hindi natin mahal ang ating kapwa.  Hindi na natin kasama ang ating Panginoong Hesukristo ng pisikal, pero pinaalalahanan niya tayo sa kanyang mga turo na siya ay nananahan sa bawat isa sa atin. Kaya naman matatagpuan ang presensya ng ating Panginoong HesuKristo sa mga buhay natin. Dito natin maiintindihan ang mensahe ng ating Panginoong Hesukristo na kailanma’y hindi pwedeng paghiwalayin ang Pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa. Parehong dakila ang mga kautusang ito. Nawa ang ating pagsamba sa Diyos, hindi lang manatili na pagsamba o kaya maging lip service. Sa halip, ang ating pagsamba sa Diyos ang siyang mag udyok sa atin sa pagsisilbi sa kapwa. Sa madaling salita, ang tunay na Kristyano ay hindi lamang sa salita, kundi nakikita ito sa kanyang kilos at gawa. Naipapamalas niya ang kanyang pagiging alagad ng ating Panginoon sa pagpapakita ng Awa, Habag at Pagmamahal sa kapwa. Amen.   - Fr. Sebastian Gadia, SSP l Society of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 24, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 25, 2023 - Martes

0:00 4:17

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 24, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!