Mabuting Balita l Hulyo 3, 2023 – Lunes  episode artwork

EPISODE · Jul 2, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 3, 2023 – Lunes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 3, 2023 Lunes ng Ika 13-Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Jn 20:24-29 Isa sa Labindalawa si Tomas na tinaguriang Kambal. Hindi nila siya kasama nang dumating si Hesus. Kaya sinabi sa kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita naming ang Panginoon!” “Maliban lamang na makita ko sa kanyang mga kamay ang bakas ng mga pako at maipasok ko ang aking daliri sa bakas ng mga pako at maipasok ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako maniniwala!” Makaraan angwalong araw, muli na namang nasa loob ang kanyang mga alagad at kasama nila si Tomas. Dumating si Hesus habang nakasara ang mga pinto at pumagitna sa kanila. At sinabi niya: “Sumainyo ang kapayapaan!” At sinabi niya kay Tomas: “Dalhin mo ang daliri mo rito at tingnan ang aking mga kamay. Ipasok mo ang iyong daliri sa aking tagiliran at huwag kang tumangging maniwala kundi maniwala!” Sumagot si Tomas sa kanya: “Panginoon ko at Diyos ko, ikaw!” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala.”   Pagninilay: “To see is to believe!” marahil ang motto ni Santo Tomas, apostol, na ang Kapistahan ipinagdiriwang natin sa araw na ito. Mapagduda at kulang sa pananampalataya ang tingin ng ilan sa kanya. Walang pagkukunwaring inihayag ni Tomas ang kanyang nararamdaman. Pero, sa lahat ng mga apostol, siya ang nabigyan ng pagkakataong mahawakan ang sugat ni Hesus sa tagiliran, sugat na dinaluyan ng bukal ng buhay at karagatan ng awa. Hindi natin nakita, ang nakita ni Hesus kay Tomas – katapatan, sinseridad at pagpapakatotoo. Madali ang manghusga, mahirap makita ang pansariling kahinaan. Mga kapanalig, inaanyayahan tayo sa araw na ito, na suriin ang ating sarili. Tingnan, kung merong bahid ng pagkukunwari at panghuhusga ang ating puso. Sa mata ng Diyos wala taong maitatago. Siya lamang ang lubos na nakakakilala sa atin. Alam Niya ang nilalaman na ating puso, isip, mga plano, pakiramdam at lahat, sa buhay natin. Kaya wala tayong dahilan upang magkunwari; walang karapatan upang manghusga kanino man. Hilingin natin, na sa tulong ni Apostol Santo Tomas, nawa’y tulungan tayo ng ating Panginoong magpakatotoo at palayain sa ugaling mapanghusga sa kapwa. Amen.    - Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 2, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 3, 2023 – Lunes

0:00 4:26

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 2, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!