Mabuting Balita l Hulyo 31, 2023 – Lunes episode artwork

EPISODE · Jul 30, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 31, 2023 – Lunes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 31, 2023 – Lunes Lunes ng Ika – 17 Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MATEO 13:31-35 Binigyan ni Hesus ang mga tao ng isa pang talinghaga: “Naikukumpara ang Kaharian ng Langit sa isang buto ng mustasa na kinuha ng isang lalaki at inihasik sa kanyang bukid. Pinakamaliit ito sa mga buto ngunit paglaki’y mas malaki ito sa mga gulay at parang isang puno—dumarating ang mga ibon ng Langit at dumadapo sa mga sanga nito.” At sinabi ni Hesus ang iba pang talinghaga: “Naikukumpara ang Kaharian ng Langit sa lebadurang kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.” Itinuro ni Hesus ang lahat ng ito sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga; hindi siya nagturo sa kanila na hindi gumagamit ng mga talinhaga. Kaya natupad ang sinabi ng Propeta: ‘Magsasalita ako sa talinhaga. Magpapahayag ako ng mga bagay na natago mula pa sa simula ng daigdig.’ Pagninilay: Paano’ng magiging puno ang isang butil? Bakit ang mumunting buto ng mustasa, inihalintulad sa Kaharian ng Diyos? Simulan natin sa katiting na binhi. Dahil pharmacist ang ina ko, alam niya ang benefits ng mustard seed. Tulad nang kapag naging mustard essential oil na, nakakapigil siya ng pagtubo ng harmful bacteria sa ating katawan, nakakabagal ng pagtubo ng cancer cells, nakakatulong sa pagpapaimpis sa mga namamaga, nakakagamot sa sintomas ng sipon. Sa murang pag-iisip, hindi ko iyon lahat naiintindihan, ang mahalaga para sa akin ang isang cute na butil marami ang makukuha kapag pinisil. Ngayong lumawak na at lumalim ang pananaw ko sa buhay, naliwanagan ako na ito ang mysterious mixture of the essence of the Cross. Ito ang pinaghalong kababaang-loob at kaluwalhatian. Pinagsamang kahinaan at lakas. Ang timpladong anghang, pait, at linamnam. Sa Krus naroon ang pagpapakasakit, kamatayan, kaligtasan at walang hanggang buhay.  Sa Krus din nababalot ang diwa ng Kaharian ng Diyos. Ang tuwa sa pag-aalay ng buhay. Tayong lahat, hinirang na ipalaganap ang Kaharian. Hindi nga ba: “Giving is the essence of living”? Makabuluhan ang pagbabahagi sa pamumuhay. Oo nga’t pinaghirapan natin ang ibinibigay natin, pero kung magagalak ang iba, isa na itong langit. Kapag pinagsikapan natin at ibinahagi natin sa nangangailangan, isa na itong kaharian. Panalangin ko, na sana maging masigasig tayo sa pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos. Be a single mustard seed everyday. Exert effort to offer acts of kindness in a very loving way.    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 30, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 31, 2023 – Lunes

0:00 4:24

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 30, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!