Mabuting Balita l Hulyo 5, 2023 – Miyerkules episode artwork

EPISODE · Jul 4, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 5, 2023 – Miyerkules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 5, 2023 Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 8:28-34 Pagdating ni Hesus sa lupain ng Gadara sa kabilang ibayo, sinalubong siya ng dalawang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa libingan. Napakabangis nila kayat walang makadaan doon. Bigla silang sumigaw: “Ano ang kailangan mo sa amin, ikaw na Anak ng Diyos! Pumarito ka ba para pahirapan kami bago sumapit ang panahon?” Sa may di kalayua’y maraming baboy na nanginginain. Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: “Kung palalayasin mo kami, ipadala mo kami sa mga baboy.” Sinabi ni Hesus sa kanila: “Umalis kayo.” Kaya pagkalayas ng mga demonyo’y pumasok ang mga ito sa mga baboy—at hayun! nahulog sa bangin ang lahat ng baboy papuntang dagat, at nalunod na lahat. Tumakas naman ang mga nagbabantay sa mga baboy. Pagdating nila sa bayan, ipinamalita nila ang lahat at kung ano ang nangyari sa mga inaalihan ng mga demonyo. Kaya lumabas ang buong bayan para salubungin si Hesus; at pagkakita nila sa kanya, hiniling nilang umalis siya sa kanilang lugar.   Pagninilay: “Naparito ka ba upang pahirapan kami bago dumating ang panahon?”  Ito ang katanungan kay Hesus ng mga taong inaalihan ng demonyo. Anupa’t, nakilala nila kung sino si Hesus. Na siya ang Anak ng Diyos na nagkatawang tao. At alam din nila na sila ay mapaparusahan pagdating ng panahon. Mga kapanalig, ano mang kasalanan ng tao, naglalayo ito sa kanya, hindi lamang saDiyos kundi pati sa kanyang kapwa. Sabi nga, “Every sin in a way, is a social sin.” Dahil may epekto ito sa pakikitungo natin sa iba. It separates us from the society. Marahil kaya ang mga taong inalihan ng demonyo ay nakatira sa libingan. Walang makalapit sa mga ito at sabi nga sa Mabuting Balita, “walang makadaan sa dako nila.” Pero nang papalapit si Hesus, sinalubong nila siya. Inutusan sila ni Hesus na pumaroon sa kawan ng mga baboy upang mapalaya ang dalawang napossess ng demonyo. Pero imbes na matuwa ang buong lungsod ay nalungkot pa. Walang nais ang Diyos sa atin kundi ang mapalaya tayo sa ating mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya. Sana’y lagi nating buksan ang ating puso sa Diyos at laging piliin Siya higit pa sa mga yaman o anumang material na bagay. Amen. - Sr. Tina Madrigallos, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 4, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 5, 2023 – Miyerkules

0:00 4:03

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 4, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!