Mabuting Balita l Hulyo 6, 2023 – Huwebes  episode artwork

EPISODE · Jul 4, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hulyo 6, 2023 – Huwebes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hulyo 6, 2023 Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 9: 1-8 Sumakay sa bangka si Hesus, tumawid sa lawa at bumalik sa sariling bayan. Dinala sa kanya roon ang isang paralitikong nakahiga sa papag. Nang makita ni Hesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Lakasan mo ang iyong loob, anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”  Noo’y inisip ng ilang guro ng Batas: “Iniinsulto ng taong ito angDiyos.” Alam ni Hesus ang kanilang mga niloloob, at sinabi niya: “Bakit kayo nag-iisip ng masama? Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka at lumakad’? Dapat ninyong malaman na may kapangyarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon ang tao at umuwi.  Nang makita naman ito ng mga tao, napuno sila ng pagkamangha at nagpuri sa Diyos sa pagbibigay ng gayong kapangyarihan sa mga tao.   Pagninilay: Noong panahon ni Hesus, mahigpit na sinusunod ng mga Eskriba ang batas ni Moises. Kaya naman nang makita nilang nagpatawad ng kasalanan ng isang paralitiko si Hesus, pinaratangan nila siyang nagpapaka-Diyos. Pero sa milagrong pag-galing ng paralitiko mula sa kanyang kapansanan, pinatunayan ni Hesus, na tunay ang kanyang pagpapatawad, at siya nga’y Anak ng Diyos. Madalas dahil sa hangarin nating protektahan ang ating nalalaman tungkol sa ating pananampalataya at batas ng simbahan, nakalilimutan na nating unahin ang maging mapagmahal at mapagpatawad sa mga taong nagkakasala. Hindi naman kailangan ng Diyos ng ating proteksyon. Dahil Siya ang ating Tagapagligtas. Ang marapat nating gawin ay ang maging tulad niya sa lahat ng aspeto ng ating buhay—mapagmahal sa kapwa, lalo na sa mga dukha, at mapagpatawad sa mga nagkakasala.   Mga kapanalig, tao rin tayo gaya ng ating kapwa, kaya't wala tayong karapatang maging diyus-diyosan at maliitin ang ating kapwa. Kung paanong hindi nanghusga si Hesus sa kahinaan ng iba, ganun din dapat tayo. Kung paanong nagpatawad at nagmahal si Hesus, ganun din dapat tayo. Manalangin tayo: Ama, tulungan mo akong unahin lagi ang maging mapagmahal at mapagpatawad sa aking kapwa, sa anumang oras, sa anumang sitwasyon. Amen.   - Fr. Oliver Par, SSP l Society of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jul 4, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hulyo 6, 2023 – Huwebes

0:00 4:21

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on July 4, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!