EPISODE · Jul 8, 2023 · 3 MIN
Mabuting Balita l Hulyo 9, 2023 – Linggo
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Hulyo 9, 2023 – Linggo Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 11:25-30 Nagsalita si Hesus sa pagkakataong iyon: “Pinupuri kita, Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak. “Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawain ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin na mahinahon ako at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mabuti ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.” Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita ngayon, inaanyayahan tayo ng ating Panginoong Hesukristo: “… Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko.” Ang nais iparating sa atin ng ating Panginoong Hesukristo, ay lumapit tayo sa kanya, sa tuwing tayo’y nabibigatan na, at wala ng maintindihan dahil sa tindi ng ating mga pinagdadaanan sa buhay. Huwag nating hanapin ang ating kapahingahan sa alak, sa droga at anu-ano pang mga bisyo, na akala natin yun ang makapagbibigay sa atin ng pahinga. Mas dinadagdagan lang ng mga ito, ang problema natin. Lumapit lamang tayo sa ating Panginoong Hesukristo, dahil siya ang ating lakas at pahinga. Mga kapanalig, sa isang linggo nating pagtatrabaho, pinagkalooban tayo ng Diyos ng isang araw na pahinga, at yan ay araw ng linggo. Naway tuwing linggo, ibigay natin ang isang oras na pagsisimba upang tagpuin Siya, at pasalamatan sa lahat ng mga biyaya na ibinibigay niya sa atin. At isa na rito, ang biyaya ng pahinga na sa Kanya lamang natin matatagpuan. Amen.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Hulyo 9, 2023 – Linggo
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.