Mabuting Balita l Hunyo 10, 2023 - Sabado episode artwork

EPISODE · Jun 9, 2023 · 3 MIN

Mabuting Balita l Hunyo 10, 2023 - Sabado

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hunyo 10, 2023 Sabado sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 12:38-44 Sinabi ni Hesus sa kanyang pagtuturo: “Mag-ingat kayo sa mga guro ng Batas na gusting lumakad na nakabarong at batiin ng mga tao sa liwasan, at mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga handaan at sa sinagoga. Nang-uubos sila ng mga bahay ng mga biyuda, at nagdarasal nang mahaba para may idahilan. Napakatindi ng magiging hatol sa mga ito.” Naupo si Hesus sa tapat ng kabang-yaman at tiningnan ang paghuhulog ng mga tao ng pera para sa Templo. At may dumating na isang pobreng biyuda na naghulog ng dalawang barya. Kaya tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Talagang sinasabi ko sa inyo na pinakamahalaga sa lahat ang inihulog ng biyudang ito sa kabang-yaman. Naghulog nga ang lahat mula sa sobra nila ngunit s’ya nama’y mula sa kanyang kasalatan. Inihulog nga n’ya ang lahat ng nasa kanya—ang mismong buhay n’ya.”   Pagninilay: Napanood n’yo na ba ang short film from Singapore na “Give”? Bata pa noon si John, na nagtanong sa tatay niya. “Father, why are we not rich?” Sumagot ang tatay: “John, being rich is not about how much you have but how much you give. When you give you will be happier.” Sa murang isip ni John, hindi nya ito maintindihan.  To be honest, mahirap maintindihan kapag nagbigay ka, kahit walang-wala ka na. Paano ka nga ba magbibigay? Ikaw din naman, may pangangailangan. Let us trust the Lord sa kakaibang turo Niya. Ito ang maging bukas-palad. Bukal daw dapat sa ating kalooban na mag-share. Ang kapalit? Wala. No condition. No expectation. Ang mahalaga, kung ano ang panawagan sa kasalukuyan, bukas- palad tayong nagbibigay.  Ang dukhang babaeng balo at ang tatay ni John, hindi nagkakaiba.  Hindi sila naka-focus sa pansariling concern kundi taos ang malasakit sa pangkalahatan. Ito ang desire sa atin ng ating Panginoon lalo na ngayon sa Synodal process na hinihiling tayong magparticipate. Ito ang opportunity na maging bukas- palad, at magkaroon ng missionary outreach hanggang sa kasuluksulukan. Huwag tayong magmukmok kung tayo ay nalulugmok.  Kahit nagigipit, magmalasakit.  Huwag nating kalilimutan na mag-abot sa kapwa nating nangangailangan. “Kahit maliit, basta’t malimit, nakikita ng langit”   - Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 9, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hunyo 10, 2023 - Sabado

0:00 3:58

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on June 9, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!