Mabuting Balita l Hunyo 12, 2023 – Lunes episode artwork

EPISODE · Jun 11, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hunyo 12, 2023 – Lunes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hunyo 12, 2023 Lunes sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 5:1-12a Nang makita ni Hesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang mga alagad. At nagsimula siyang magturo sa kanila: “Mapapalad ang may mga diwa ng dukkha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad ang mga di marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain. Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila. Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawan sila. Mapapalad ang may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo.   Pagninilay: Marupok, mahina, salat – mga katagang hindi katanggap-tanggap para sa mundong ang pagpapahalaga ay nakasalalay sa lakas at kapangyarihan. Madalas, kapag umiiyak tayo, nagluluksa, o pinanghihinaan ng loob dahil sa mga pagsubok at hamon ng buhay, mukha na tayong mahina sa paningin ng iba. Kaya malimit sinasabi sa atin, wag kang magpadala sa kahinaan mo, wag kang umiyak, magpakatatag ka, wag kang mag appear na weak, lalo na sa harap ng mga kumakalaban sa’yo. Pero kapanalig, pakinggan natin ang tinuran ni Hesus sa ating Mabuting Balita ngayon. Parang sinasabi niyang, okey lang ang hindi maging okey, “It’s okey not to be okey.” Ika pa nga nya: "mapapalad kayo". Aba’y, hirap ka na nga, umiiyak ka na nga, wala ka na ngang silbi sa iba, tapos sasabihin pa ni Hesus, na mapalad tayo? Kapanalig, ikaw ba’y maniniwala sa mga salitang ito ng ating Panginoon? Sa tingin ko, dapat tayong maniwala, hindi dahil sinabi ito ng Panginoong Hesus; kundi maniwala tayo, na sa mundong ginagalawan natin, sa totoong mga bagay na nangyayari sa ating buhay, kasama na dito lahat ng pasakit at pighati – may Diyos tayong kasa-kasama. Oo, mga kapanalig! Mapapalad tayo hindi dahil sa umiiyak o inaapi tayo. Mapapalad tayo, dahil hindi tayo nag-iisa. Kasama natin ang Panginoong Hesus, ang Emmanuel, “God with us” sa pagharap sa lahat ng hamon ng buhay.   - Sr. Niña Lorilla, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 11, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hunyo 12, 2023 – Lunes

0:00 4:03

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on June 11, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!