EPISODE · Jun 13, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Hunyo 14, 2023 – Miyerkules
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Hunyo 14, 2023 Miyerkules sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 5:17-19 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag n'yong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang bisa kundi upang magbigay-karapatan. At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nagbabago ang Langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad. “Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinag-uutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsasagawa at magtuturo ng mga ito sa mga tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.” Pagninilay: Hindi naparito si Hesus upang guluhin at lituhin ang ating buhay pananampalataya. Naparito siya upang ituwid, palakasin, panibaguhin at pag-alabin ang ating pananampalatayang nakaugat, higit sa lahat, kay Hesus, ang buhay na pag-ibig ng Diyos. Ang pagkatao ni Hesus, ang Kanyang mga salita at gawa ang nagpapatotoo na Siya nga ang katuparan ng Kautusan at mga Propeta, ang Diyos ng pag-ibig. Sa araw na ito hinihikayat tayong magtiwala at sumunod sa kalooban ng Diyos. Nais ng Panginoong Hesus na tayo’y pagpalain ayon sa Kanyang kagandahang loob. Nais niyang puspusin tayo ng kanyang pagmamahal. Ano naman ang tugon natin sa Kanya? Handa ba tayong isabuhay nang taos-puso, ang Kanyang bagong utos na tayo’y magmahalan? Ano ang tugon natin sa mga taong hindi tumatanggap sa atin, o laging kumokontra sa atin? May mga tao bang hindi pa natin napapatawad, o kailangan ba nating humingi ng tawad? Ibinaon na ba natin ang mga sama ng loob sa nakaraan, upang sulitin ang anumang meron sa araw na ito? Mga kapanalig, hayaan nating tulungan at gabayan tayo ni Hesus. Nawa’y hilumin Niya ang anumang sugat na humahadlang sa atin, upang malaya tayong makasunod sa Kanya. Alam niya ang ating mga kahinaan at walang imposible sa Kanya. Buksan nawa natin ang ating kalooban, upang minsan pa’y buhayin Niya ang Kanyang dakilang pagmamahal sa ating puso. Nawa’y masilayan sa ating buhay, ang mapagmahal at mapagmalasakit na presensya ni Hesus. - Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Hunyo 14, 2023 – Miyerkules
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.