Mabuting Balita l Hunyo 16, 2023 - Biyernes episode artwork

EPISODE · Jun 15, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hunyo 16, 2023 - Biyernes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hunyo 16, 2023 Biyernes sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 11:25-30 Nagsalita si Hesus sa pagkakataong iyon: “Pinupuri kita, Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak. Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at maypinapasan, at pagiginhawain ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin na mahinahon ako at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mabuti ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.” Pagninilay: Mga kapatid, nababatid ba natin na ang ating pananampalataya ay bunga ng kagandahang loob ng Diyos?  Isa itong dakilang biyaya mula sa Diyos.  Ito ang tinutukoy ng Panginoong Hesus sa Kanyang pagbibigay-puri sa Diyos Ama.  Narinig natin Siyang nagpupugay sa Ama dahil inilihim ng Ama ang mga natatago sa mga pantas at matatalino upang isiwalat lamang sa mga mangmang at mga maliliit.  Sa bahaging ito ng Ebanghelyo, nasusumpungan natin kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pananampalataya.  Maraming nagsasabing ang pananampalataya ay pagpaubaya ng sarili sa kamay ng Diyos.  Ito’y lubos na pagtitiwala sa kagandahang loob ng Diyos. Na kahit anong mangyari hindi tayo pababayaan ng Diyos dahil Siya ang may ganap na kontrol sa ating buhay.   Ito din ang nagpapalakas sa atin para huwag sumuko sa gitna ng mga pagsubok na dinaranas sa buhay. Pero higit sa anupaman, ang pananampalataya ay paglalahad ng paanyaya ng Diyos sa taong lumalayo sa Kanya.  Ang pananampalataya ay pag-anyaya ng Diyos na muling makasama ang taong naliligaw ng landas.  Ang pananampalataya ay kagandahang-loob ng Diyos, pagkukusa Niyang akayin tayo upang makasama hanggang wakas.  Mga kapatid, kung ang mga paghihirap natin sa kasalukuyan ay binabata natin nang may pananampalataya at pagmamahal, magiging makabuluhan ang ating mga paghihirap.  Kung ang lahat ng paghihirap natin sa buhay, papasanin nating kasama ang Diyos, magiging magaan ito.  Kaya nga, sa mga kapatid nating nawawalan na ng pag-asa, at pagpapatiwakal na ang naiisip na solusyon, lumapit tayo sa Kamahal-mahalang puso ni Hesus.  Nalalaman Niya ang mga hirap na pinagdadaanan natin!  Isuko natin sa Kanya ang ating sarili at lahat ng mga alalahanin natin sa buhay na di na natin kayang pasanin.   Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 15, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hunyo 16, 2023 - Biyernes

0:00 4:33

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on June 15, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!