EPISODE · Jun 18, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Hunyo 19, 2023 - Lunes
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Hunyo 19, 2023 Lunes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 5:38–42 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyo na sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong labanan ng masama ang masama. Kung sampalin ka sa kanang pisngi, ibaling ang mukha at ibaling ang kabilang pisngi. Kung may magdemanda sa iyo para kunin ang iyong sando, ibigay mo pati ang iyong kamiseta. Kung may pumilit sa iyong sumama sa kanya nang isang kilometro, dalawang kilometro ang lakarin mong kasama niya. Bigyan ang nanghihingi at huwag talikuran ang may hinihiram sa iyo. Pagninilay: Mga kapanalig, matindi ang hamon sa atin ng Mabuting Balitang ating narinig. Nangangailangan ito ng mataas na espiritwalidad. Pinapaalalahanan tayo na huwag labanan ang taong masama. Naranasan nyo na bang magpigil ng galit, dahil merong nanira sa iyo? Yong umaga pa lang, eh nakikita mo nang may mga ‘marites’ na ikaw ang pinag-uusapan? Ano ang gagawin mo? Sabi ni Lord, huwag kayong lumaban sa taong masama. Pero may isang bagay na maitutulong sa atin ang paglaban. Ito ang paglaban sa ating ' ego’ o pride. Madalas kase, kapag may gumawa sa atin ng masama, susme! ang sarap gumanti. Ang okasyong ito ang susubok sa ating ‘ego’ o ' pride’. Kapanalig, kung may gumawa sa atin ng masama, isipin natin na ang pagganti, walang maidudulot na mabuti. Kung sakaling mahulog tayo sa bitag ng pagkagalit din, huwag nating kalimutang meron tayong saving factor, ang sakramento ng kumpisal. Dito, mabibigyan tayo ng magandang payo, pangaral at paliwanag sa ating mga nagawa ding sala. Mga kapanalig, maraming hamon ang buhay, ang mga salita ng Diyos ay puno ng hamon, pero kung sinasanay natin ang ating sarili, na gawin ang mabuting mga bagay- bagay sa biyaya ng Diyos, makakaMateo an natin ang kabanalang ninanais. Manalangin tayo: Panginoon, ang hangarin Mo’y makapiling kami sa buhay na walang hanggan. Ipagkaloob Mo po sa amin ang liwanag ng Banal na Espiritu, na magtuturo sa amin ng mabuti at kalugod-lugod sa iyo. Tulungan mo po kami sa aming pagsisikap na maging mabuting kristiyano. Amen. - Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Hunyo 19, 2023 - Lunes
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.