Mabuting Balita l Hunyo 20, 2023 – Martes 	 episode artwork

EPISODE · Jun 19, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hunyo 20, 2023 – Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hunyo 20, 2023 Martes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon     Ebanghelyo: Mateo 5:43–48 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyo na sinabi: Mahalin mo ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mahalin n’yo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang umuusig sa inyo. Sa ganito kayo magiging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa kapwa masama at mabuti, at pinapapatak ang ulan sa kapwa makatarungan at di-makatarungan. Kung mahal n’yo ang nagmamahal sa inyo, ano ang gantimpala n’yo? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga pagano? Kaya maging ganap kayo gaya ng pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit.”   Pagninilay: Ang Ebanghelyong narinig natin ay pagpapatuloy sa narinig natin kahapon.  Patuloy tayong inaanyayahan ng Panginoon na huwag suklian ng masama ang masamang ginawa sa atin.  Sa halip na gantihan ang taong nagkasala sa atin, pinapaalalahanan pa tayo ngayon na mahalin sila, gawan ng mabuti at ipagdasal.  Tanging sa ganitong paraan lamang mahihinto ang hidwaan.  Tanging sa ganitong paraan lamang magiging ganap ang ating kabanalan.   Mga kapatid, ang Ama sa Langit ang ating huwaran para marating ang ganitong kaganapan.  Ano ang dapat nating malaman at matularan sa Ama?  Hangarin ng Diyos na maligtas ang lahat ng tao – ang lahat inanyayahan, ang lahat mahalaga, ang lahat minamahal.  Kaya nga sinasabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Mahalin ninyo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang umuusig sa inyo.”  Dahil ito ang pamamaraan ng Diyos upang ang mundo’y maging lugar ng mga taong ganap sa pagmamahal.  Kung ang Diyos ang simula ng pagmamahal, nararapat lamang na ang bawat pagmamahal, sumasalamin sa pagmamahal ng Diyos.  Pero paano ba natin ito gagawin sa ating buhay?  Paano ba iibigin ang isang kaaway?  Sa ating karanasan, mas mahirap umibig ng kaaway lalo na kung ang itinuturing na kaaway ay isang dating kaibigan.  Mas masakit kung ang nang-iwan o nandaya o nanira sa atin ay isang kaibigan.  Pero di ba’t naranasan din ni Hesus ang pagtaksilan, itatwa, iwanan at ipagkanulo ng mga kaibigan?  Pero hindi Niya hinayaang palawakin ang paglayo ng kalooban sa isa’t isa.  Iniwan Niya ang bakas ng kahapon at sa halip, pinatawad ang sa Kanya’y nagkasala.  (Manalangin tayo:  Panginoon, tulungan Mo po akong magpatawad ng lubos, nang makayanan kong mahalin at gawan ng mabuti angmga nagkasala sa akin.  Amen.)       

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 19, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hunyo 20, 2023 – Martes

0:00 4:19

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on June 19, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!