Mabuting Balita l Hunyo 22, 2023 – Huwebes episode artwork

EPISODE · Jun 21, 2023 · 3 MIN

Mabuting Balita l Hunyo 22, 2023 – Huwebes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hunyo 22, 2023 Huwebes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 6:7-15 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pag mananalangin kayo, huwag kayong magsalita nang magsalita gaya ng ginagawa ng mga pagano; naniniwala nga sila na mas pakikinggan sila kung marami silang sinasabi. Huwag kayong tumulad sa kanila. Alam ng inyong Ama ang mga pangangailangan ninyo bago pa man kayo humingi. Kaya ganito kayo manalangin: Ama naming nasa Langit, sambahin ang Ngalan mo, dumating ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa Langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, patawarin mo ang aming mga pagkakautang gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin. Huwag mo kaming dalhin sa tukso, at iligtas mo kami sa masama. Kung patatawarin ninyo ang mga nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa Langit. At kung hindi Ninyo patatawarin ang mga nagkasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.”   Pagninilay: Bata pa lang tayo, tinuruan na tayong magdasal ng “Our Father” ng nanay at tatay natin o ng Katekista sa lugar natin. Sa simula, ang preoccupation natin, kung paano’ng imemorize. Habang papalaki tayo, lumalalim na ang kahulugan nito sa atin. Nagiging personal na ang pagdarasal natin sa Diyos Ama. Halimbawa, ang ipinagkakatiwala natin sa Kanya na pagkain ng ating puso at kaluluwa bukod pa sa pang-araw-araw na sustenance, how to handle relationships, paano’ng maging mababang-loob, paano’ng magpatawad at humingi ng tawad, to fight against temptations, pagharap squarely sa masasama at pagpili ng mabuti. Kayat sa pananalangin ng Ama Namin, hindi lang ito prayer kundi intimate encounter with the Father.  Sa tagpo ng malapît na ugnayan natin sa Diyos Ama, dinadala Niya tayo sa maayos na ugnayan natin sa isa’t isa. Itinuro ito ng ating Hesus Maestro, hindi “Ama ko”, kundi “Ama namin.”  Ito ang pangkabuuang panalangin natin ng pakikipag-isa, pakikilahok, at pagmimisyon. Ito rin ang diwa ng Synod sa ating Simbahan. Hindi ba, affected tayo kapag may hindi pagkakaunawaan sa ating pamilya, ganundin sa ating community? Sa tuwing may fiesta, lahat nagcecelebrate, nagbabahaginan ng talents at tuwa. High spirit din tayo sa mga excited na Team Pilipinas na nag-join sa Olympics World Games. Lahat tayo feeling champion kapag nagkamit ng gold medal. Kaya’t sa sandaling ramdam mo ang yakap ng pagmamahal ng ating Diyos Ama, hindi lang ikaw ang hina-hug Niya, Kundi group hug Niya ito para sa ating lahat.   -- Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 21, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hunyo 22, 2023 – Huwebes

0:00 3:39

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on June 21, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!