EPISODE · Jun 22, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Hunyo 23, 2023 – Biyernes
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Hunyo 23, 2023 Biyernes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 6:19–23 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Huwag dito sa lupa kayo mag-ipon ng inyong mga iniipon sapagkat dito’y masisira ang mga iyon ng mga kulisap at kalawang, at mananakaw ng magnanakaw. Sa piling ng Diyos kayo mag-ipon ng inyong iniipon; wala nga roong kulisap o kalawang na sisira, at walang magnanakaw. Malaman mo sana na kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso. Ang iyong mata ang lampara ng iyong katawan; kung malinaw ang iyong mata, nasa liwanag ang buo mong katawan. Kung malabo naman ang iyong mata, nasa kadiliman ang buo mong katawan. At kung dumilim ang liwanag na nasa iyo, gaano pa kaya ang madilim!” Pagninilay: Walang masama sa pag iimpok, dahil mahalaga ito sa oras ng pangangailangan. Ang tinutukoy ni Hesus sa Mabuting Balita ay ang sobrang pagka makasarili; ang pag iipon at pagpaparami ng pera at mga material na bagay dito sa mundo para sa pansariling kapakanan, at hindi man lang tumutulong at nagbabahagi sa mga nangangailangan. Mga kapanalig, hindi nagwawakas ang buhay sa mundong ito. Ano ang kahihinatnan natin sa kabilang buhay, kung ang lahat ng ating lakas, inubos natin sa pagiging ganid sa pagpaparami ng kayamanan? Saan hahantong ang kaluluwa ng taong punong-puno ng kasakiman ang puso? Malinaw ang paalala sa atin ni Hesus, “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.” Sa ating pagpupursigi at pagsusumikap sa buhay, nawa’y patuloy nating bantayan ang ating mga motibo. Suriin natin, kung ang lahat ba na meron tayo, nakakatulong sa atin at sa ating mga mahal sa buhay, na maging mabuting tao? Nawa’y tulungan tayo ni Hesus na maging makabuluhan ang ating buhay; gabayan tayong maging abala, higit sa lahat, sa pag-iimpok ng kayamanan sa langit, sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng Kanyang mga turo’t aral ng pagmamalasakit, pagpapatawad, pagbibigay nang hindi naghihintay ng kapalit, at pagmamahal sa mga taong mahirap mahalin. - Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Hunyo 23, 2023 – Biyernes
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.