Mabuting Balita l Hunyo 24, 2023 – Sabado  episode artwork

EPISODE · Jun 23, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hunyo 24, 2023 – Sabado

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hunyo 24, 2023 Sabado sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1:57–66, 80 Nang sumapit ang panganganak ni Elizabeth, isang anak na lalaki ang isinilang niya.Narinig ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anakan, nagdalang-awa sa kanya ang Panginoon kayat nakigalak sila sa kanya. Nang ikawalong araw na, dumating sila para tuliin ang sanggol at pangangalanan sana nila itong Zacarias gaya ng kanyang ama. Sumagot naman ang kanyang ina: “Hindi, tatawagin siyang Juan.” Pero sinabi nila sa kanya: “Wala ka namang kamag-anak na may ganyang pangalan.” Kaya sumenyas sila sa ama ng sanggol kung ano ang gusto nitong itawag dito. Humingi siya ng masusulatan, at sa pagtataka ng lahat ay kanyang isinulat: “Juan ang pangalan niya.” Noon di’y nabuksan ang kanyang bibig at nakalag ang kanyang dila. Nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos. Kaya namayani ang banal na pagkatakot sa kanilang kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pangyayaring ito sa buong mataas na lupain ng Juda. Nag-isip-isip ang mga nakarinig at nagtanungan: “Ano na kaya ang mangyayari sa sanggol na ito?” Dahil sumasakanya talaga ang kamay ng Panginoon. Habang lumalaki ang bata, pinatatag siya ng espiritu. Nanirahan siya sa disyerto hanggang sa araw ng kanyang pagkakahayag sa Israel.   Pagninilay: Happy fiesta sa mgantaga-Maynila at San Juan! Walang pasok sa eskwela tuwing June 24 at noong bata ako, ang laro namin ay magsaboy ng tubig sa mga dumaraan sa harap ng bahay. Paramihan kami ng mababasa – minsan malinis yung tubig. Pero kapag umulan bago ang araw na ’yon, tubig baha ang isinasaboy namin! Sorry po! Hindi ko naintindihan noon ang koneksiyon ng tubig sa kapistahan ni San Juan – akala ko kasi apelyido niya yung Bautista. ’Yon pala ang kanyang misyon: ang binyagan ang mga Israelita sa binyag ng pagsisisi at ituro sa kanila ang Panginoong Hesukristo, ang kordero ng Diyos na nag-aalis sa kasalanan ng buong mundo. Mula nang siya’y ipaglilihi, isilang, nangaral, hanggang sa kamatayan, totoo ang nakasulat sa Mabuting Balita ngayon: ang kamay ng Panginoon ay sumasakanya.  Mga kapanalig, tulad ni San Juan, bawat isa sa atin ay mayroon ding misyon. At ang kamay ng Panginoon ay sumasaating lahat. Inaanyayahan tayo sa araw na ito, na siyasatin ang plano ng Diyos para sa ating buhay. Balikan natin ang ating mga karanasan at suriin o alalahanin ang mga biyaya, mga pagsubok at mga leksyong natutunan natin. Alam ba natin ang ating personal na misyon sa buhay? Naisasakatuparan ba natin ito? Mayroon bang mga hadlang sa pagsunod dito? Manalangin tayo: Nawa’y magbigay ng lakas ng loob ang pananalig na nasa atin ang pagpapala ng Diyos upang maganap, maisabuhay, matugunan at matupad natin ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang pangarap at hangarin para sa atin. Amen. - Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St.Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 23, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hunyo 24, 2023 – Sabado

0:00 4:39

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on June 23, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!