EPISODE · Jun 25, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Hunyo 26, 2023 – Lunes
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Hunyo 26, 2023 Lunes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 7:1–5 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag humatol at di kayo hahatulan. Kung paano kayo humatol sa inyong kapwa, gayon din naman kayo hahatulan, at susukatin kayo sa sukatang ginamit ninyo. Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid: ‘Halika, at aalisin ko ang puwing sa iyong mata,’? Mapagkunwari!Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, at saka mo makikita kung paano aalisin ang puwing sa mata ng iyong kapatid.” Pagninilay: Iwasan natin ang maging mapanghusga! Ito ang paanyaya ng Panginoon sa Mabuting Balita ngayon. Alam na ng Panginoon ang kahinaan nating mapanhusga, kaya inaanyayahan Niya tayong suriin ang ating mga sarili, sa masamang ugali nating ito. At tumugon sa Kanyang paanyaya, bilang tanda ng ating pagpasok sa mas malalim pang relasyon sa Kanya. Nais ng ating Panginoon na maging banal tayo, sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa, kaya pinapaalalahanan Niya tayo na iwasan ang panghuhusga at pamumuna sa kahinaan ng iba. Ika nga, Diyos lang ang may karapatang humusga sa atin, dahil Siya lang ang nakakaalam ng buong kwento ng buhay natin at pagkatao. Pero malimit, aminin man natin o hindi, mabilis tayong manghusga at pumuna sa kapintasan at kahinaan ng iba. Naalala ko tuloy yung joke na nabasa ko sa fb noon, ang sabi doon: Nangangagat po ba yung aso nyo? At ang sagot naman ay: Ay hindi po, nanghuhusga lang po yan!” Sa unang basa ko, napatawa ako, pero napagtanto ko na, oo nga, para din pala tayong aso, sa mga panahon na hinuhusgahan natin ang ating kapwa. Yung aso kumakahol sa hindi nya kakilala. Kahol lang ito ng kahol, hanggang na mawala na ang kinakahulan, sa kanyang paningin. Ganyan din ang ugali ng mga judgemental. Bato ng bato ng masasakit na salita kahit nakakasira na. Mga kapanalig, suriin natin ang ating mga sarili, kapag umaandar yung ating masamang ugali na mapanghusga at mapagpuna: Kilala ko ba ang taong ito, kagaya ng pagkakakilala sa kanya ng ating Panginoon. Kung masasagot natin ito, nawa’y dumating tayo sa punto na masasabi natin na, “hindi tayo Diyos, para husgahan ang ating kapwa!” - Sr. Niña Lorilla, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Hunyo 26, 2023 – Lunes
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.