Mabuting Balita l Hunyo 28, 2023 – Miyekules episode artwork

EPISODE · Jun 27, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hunyo 28, 2023 – Miyekules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hunyo 28, 2023 – Miyekules Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 7:15–20 Sinabini Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat sa mga bulaang propeta na lumalapit sa inyo na parang mga tupa pero mababagsik na mga lobo naman sa loob. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Makapipitas ba ng ubas sa tinikan o ng igos sa dawagan? Namumunga ng mabuti ang mabuting puno, at namumunga naman ng masama ang masamang puno. Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno naman ay hindi makapamumunga ng mabuti. Pinuputol ang anumang puno na hindi namumunga ng mabuting bunga at itinatapon sa apoy. Kaya makikilala ninyo sila sa kanilang bunga.” Pagninilay: Mga kapanalig, ang mga propeta ay mga taong hinirang ng Diyos para maipaabot ang Kanyang mensahe sa atin. Sa kwento ng mga Israelita, ang bayang pinili ng Diyos sa biblia, may mga propetang ipinadala sa kanilang paglalakbay. Kabilang dito sina Isaias, Jeremias, Ezekiel, Samuel, Jonas at iba pa.  Hindi madaling maging propeta!  Tulad ni Jonas, hindi siya tumugon agad sa tawag ng Diyos na pumunta sa Nineve para mangaral. Kilala siyang propeta na nilamon ng isang dambuhalang isda, nanatili siya sa tiyan nito ng tatlong araw at gabi, at niluwa rin sa dalampasigan sa utos ni Yahweh. Pagkatapos noon, sumunod na siya sa Diyos. Pero, hindi rin pinapakinggan o pinapaniwalaan ang mga propeta sa lahat ng oras; may mga pagdududa pa rin sa mga nakakarinig sa kanila. Sinabi ni Hesus sa Mabuting Balita – “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta … sa kanilang bunga, makikilala ninyo sila.” Sila ang mga “false prophets” o mga bulaang propeta na nagkukunwaring sugo ng Diyos, pero sa huli ang sarili nila ang ipinagbubunyi at “self-serving”. Sa ngayon, marami na rin tayong “modern day prophets” na naging instrumento ng kabutihan ng Diyos.  Pero may mga pagkakataon din na mabilis tayong maniwala sa magagandang salita, kaya napapasubo tayo at nalilinglang sa huli.  Mga kapanalig, hindi lamang pag-iingat ang kailangan natin. Mahalagang pagtuunang pansin ang pagpapalalim ng ating pananampalataya at pagpapatibay ng ating pakikipag-ugnayan sa Diyos.  Maging maalam tayo sa Banal na Kasulatan, sa katuruan ng Inang Simbahan, at sa Katesismo upang hindi tayo madaling malinlang ng mga huwad na propeta. Nawa’y maging matatag tayo sa ating paninindigan at pananampalataya sa Diyos.      - Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 27, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hunyo 28, 2023 – Miyekules

0:00 4:45

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on June 27, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!