EPISODE · Jun 29, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Hunyo 30, 2023 – Biyernes
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Hunyo 30, 2023 Biyernes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 8:1-4 Pagkababa ni Hesus mula sa bundok, maraming tao ang sumusunod sa kanya. Lumapit sa kanya ang isang may ketong, at paluhod na nagsabi: “Ginoo, kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” At sinabi ni Hesus: “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyo’y gumaling ang lalaki sa kanyang ketong. At sinabi ni Hesus sa kanya: “Mag-ingat ka, huwag mong sasabihin ito kaninuman kundi pumunta ka sa pari para suriin ka niya at ialay ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay. Pagninilay: Noong panahon ng Panginoon Hesus, masasabing isang stigma ang magkaroon ng sakit na ketong. Isa itong sakit na pinandidirihan, at maituturing na parang patay na, ang magkasakit nito. Walang kasing dapat na lumapit at makipag- usap. Noon, ang isang may ketong kapag lumalabas at maglalakad sa kalye, dapat sumigaw ng “marumi, marumi” para malaman ng mga tao na paparating siya, at makaiwas agad. Maraming tao ang ganito ang karanasan lalo na nung kasagsagan ng COVID-19. Maraming tao sa buong mundo ang na isolate, at sapilitang ikinulong sa kanilang mga tahanan. Marami din ang sawimpalad na namatay. Ako din po, bagamat hindi na-covid ay nakaranas ding mag self- quarantine sa loob ng labinlimang araw, dahil na exposed ako sa isang nag positive sa COVID-19. Mga kapanalig, bigyang pansin natin ang sinabi ng ketongin sa ating Panginoong Hesus, sabi niya “Panginoon, kung ibig mo ay malilinis mo ako.” Makikita natin dito ang kanyang pagsuko at pagpapakumbaba… Binibigyan ng ketongin ang Panginoong Hesus ng layang, gawin sa kanya anuman ang naisin niya para sa kanya. Isa itong paanyaya sa atin, na magkaroon din tayo ng pagsuko at pagtitiwala sa Panginoong Hesus. Matapos na pagalingin ang ketongin, sinabi ng Panginoon sa kanya na humayo, at humarap sa pari, upang ialay ang handog na pinag-uutos ni Moises, bilang patotoo sa kanila. Mga kapanalig, inaanyayahan din tayong maging saksi, sa kabutihan at kagandahang loob ng Diyos. Kung naranasan natin ang pagpapagaling ng Panginoong Hesus, karamdaman mang pisikal o emosyonal, maging saksi tayo na tunay na ang Diyos ay pag-ibig. Sa ating Panginoong Hesus, ganap ang kagalingang dulot ay kaligayahan. Maging matatag nawa tayo sa bawat sandali ng ating buhay sa tulong at habag ng Diyos. Amen. - Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Hunyo 30, 2023 – Biyernes
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.