Mabuting Balita l Hunyo 7, 2023 – Miyerkules episode artwork

EPISODE · Jun 6, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hunyo 7, 2023 – Miyerkules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hunyo 7, 2023 Miyerkules sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 12:18-27 Lumapit kay Hesus ang mga Sadduseo. Sinasabi ng mga ito na walang pagkabuhay na muli kaya nagtanong sila: “Guro, isinulat ni Moises para sa amin: ‘Kung may magkakapatid na lalaki at mamatay na walang anak ang isa sa kanila, kailangang kunin ng kanyang kapatid ang kanyang asawa upang magpasibol ng supling sa kanyang kapatid.’ Ngayon, may pitong magkakapatid. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak. Kaya kinuha ng ikalawa ang kanyang asawa, at namatay ring walang anak. Ganito rin ang nangyari sa pangatlo. Silang pito nga ay namatay nang hindi nagkaanak. At sa huli’y namatay din ang babae. Ngayon, sa muling pagkabuhay—kung mabubuhay silang muli—kanino sa pito siya magiging asawa? Ang pito nga ang umangkin sa kanya.” At sumagot si Hesus: “Hindi kaya bunga ng hindi ninyo pagkaunawa sa Kasulatan at sa kapangyarihan ng Diyos ang inyong pagkakamali? Sa muling pagkabuhay nga nila, hindi na mag-aasawa ang lalaki o babae kundi para na silang mga anghel sa Langit. At tungkol naman sa mga patay at sa muling pagkabuhay, hindi ba ninyo inunawa ang sinabi sa inyo ng Diyos sa aklat ni Moises, sa kabanatang palumpong: ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob’? Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo.”   Pagninilay: “Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay. Kayo’y talagang nagkakamali.”  Isa sa mahalagang bagay na dapat nating unawain sa ating buhay pananampalataya ay ang katotohanan na may kabilang buhay. Ang buhay na walang hanggan kasama ang Diyos, ang Panginoong Hesus, ang Mahal na Birhen, mga Santo at Santa at lahat ng pinagpala ng Diyos na makapiling Niya sa langit. Mga kapanalig, ito ang bunga ng ating mga pagsisikap na mabuhay ng may dangal, katapatan sa utos ng Diyos, may pagmamahal at kawanggawa. Anumang bagay na pinagsikapan nating yakapin sa kabila ng paghihirap at pagdurusa kung itinataas natin ito sa ating Diyos, nagiging tulad ito ng mga hagdan na maghahatid sa atin sa langit. Masarap isipin, at harinawang mangyari sa atin na matulad tayo sa mga anghel sa langit. Sa kabilang buhay wala ng mag- asawa at hindi na pag-aasawahin ang mga tao. Lahat ng pinagpala at nagsikap ay matutulad sa mga angel. Mga pinagpalang sa Diyos nagpupuri. Mga pinagpalang wala nang kamatayan. Manalangin tayo:  Panginoong Hesus, harinawang maging karapat dapat kaming magkamit ng buhay na walang hanggan. Tulungan mo po kaming tumupad sa iyong mga utos. Matulad nawa kami sa mga anghel, na sa langit, walang hanggang nagpupuri sa iyo. Amen.   - Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 6, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hunyo 7, 2023 – Miyerkules

0:00 4:32

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on June 6, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!