Mabuting Balita l Hunyo 9, 2023 – Biyernes episode artwork

EPISODE · Jun 8, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Hunyo 9, 2023 – Biyernes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Hunyo 9, 2023 Biyernes sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 12:35-37 Sa pagtuturo ni Hesus sa Templo, sinabi niya: “Ano’t sinasabi ng mga guro ng Batas na Anak ni David ang Mesiyas? Sinabi nga ni David nang magsalita siya sa Espiritu Santo: ‘Ang sabi ng Panginoon sa aking Panginoon: Umupo sa aking kanan hanggang ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa.’ Kung tinatawag siya ni David mismo na Panginoon, puwede bang anak siya ni David?” Nasisiyahan ang bayan sa pakikinig sa kanya.   Pagninilay: Sa Mabuting Balita,narinig nating tinatanong ni Hesus kung bakit sinasabi ng mga Eskriba na ang Mesiyas ay Anak ni David. Kasi, si David mismo ang tumawag sa Mesiyas na Panginoon. Hindi nakikipag-away si Hesus sa mga Escriba kundi nagtatanong tungkol sa kanilang pangangatwiran. Ang tinatalakay na teksto mula sa Lumang Tipan ay ang unang bersikulo ng Salmo 110: “Winika ng Panginoon sa aking Panginoon, maupo ka sa aking kanan hanggang sa ipailalim ko sa iyong mga paa ang mga kaaway mo.”  Yung unang Panginoon ay tumutukoy sa Diyos, at ang ikalawa ay sa Mesiyas. Kung tinawag ni David na Panginoon ang Mesiyas, ibig sabihin, mas nakahihigit siya kay David at hindi lang siya anak ni David. Hinihintay ng mga Hudyo ang pagdating ng Mesiyas na siyang magpapalaya sa kanila mula sa imperyong Romano at magpapa-numbalik ng kaluwalhatian ng paghahari ni David. Pero ang kaharian ni Kristo ay taliwas sa kanilang inaasam. Si Hesukristong Mesiyas ay Anak ng Diyos!  Ipinapaalala ni San Marcos na si Hesus na Mesiyas ay ipinagkanulo, pinabayaan ng kanyang mga kaibigan, at ipinako sa krus hanggang kamatayan. Mula sa Krus mamamalas ang kaharian ng pag-ibig, pagpapatawad at pagtanggap sa lahat ng tao. Si Hesus na Mesiyas ang Panginoon ng Pag-ibig. Sinasabi din sa pagbasa ngayon na “malugod siyang pinakikinggan ng makapal na tao.” Kapanalig, nalulugod ka rin ba habang pinakikinggan mo si Hesus sa Banal na Kasu-latan? Katulad ng dalawang disipulo na sinabayan ni Hesus nang sila’y papunta sa Emaus, “mag-alab nawa ang ating puso habang pinakikinggan natin ang kanyang salita” sa Banal na Biblia. Sige na, kunin mo na ang Biblia mong matagal nang naka-tago, o naka-display sa iskaparate. Baka nababalot pa iyan ng plastic para hindi maali-kabukan. Buksan mo at basahin, pagnilayan at dasalin ito. Gusto kang makausap ng Panginoon: magliliwanag, gagabay, at magbibigay-lugod ito sa iyong buhay araw-araw. Manalangin tayo: Panginoon, salamat sa iyong tanglaw at sa pagpapadala Mo sa amin kay Hesus na aming Mesiyas. Nawa’y maging bukas kami sa pag-akay niya sa amin tungo sa iyong kaharian ng pagmamahal at kapayapaan. Amen. - Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 8, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Hunyo 9, 2023 – Biyernes

0:00 4:40

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on June 8, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!