EPISODE · Mar 10, 2024 · 5 MIN
Mabuting Balita l Marso 11, 2024 - Lunes
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Marso 11, 2024 - Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Juan 4:43-54 Umalis si Hesus pa-Galilea. Nagpatotoo nga si Hesus na hindi pinararangalan ang isang propeta sa sariling bayan. Gayon pa man, pagdating niya sa Galilea, tinanggap siya ng mga Galileo dahil nasaksihan nila ang lahat ng ginawa niya sa Piyesta sa Jerusalem. Naroon nga mismo sila sa Piyesta. Pumunta siyang muli sa Kana ng Galilea, doon niya ginawang alak ang tubig. At nangyari, na ang anak na lalaki ng isang opisyal ng hari ay maysakit sa Capernaum. Nang marinig niya si Hesus ay dumating sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya siya at pagalingin ang kanyang anak na nasa bingit ng kamatayan. Sinabi kung gayon ni Hesus tungkol sa kanya: “Hangga’t hindi kayo nakakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, hindi kayo maniniwala.” Sinabi naman sa kanya ng opisyal: “Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang anak ko.” At sinabi sa kanya ni Hesus: “Umuwi ka na. Buhay ang anak mo.” Nananalig ang tao sa salitang sinabi sa kanya ni Hesus at umuwi siya. Nang palusong na siya, sinalubong siya ng kanyang mga alipin at sinabing buhay ang anak niya. Inalam niya mula sa kanila kung anong oras siya gumaling at sinabi nila: “Kahapon po nang ala-una siya inibsan ng lagnat.” Kaya nalaman ng ama na ito ang oras nang sabihin ni Hesus: “Buhay ang anak mo.” At naniniwala siya pati ang buo niyang sambahayan. Ginawa ni Hesus ang ikalawang tandang ito pagdating niya sa Galilea mula sa Judea. Pagninilay: Gaano ba katayog o kalawak o kalalim ang ating pananampalataya? Narinig natin, na isang mataas na pinuno ng pamahalaan sa Galilea, ang lumapit kay Hesus upang humingi ng tulong, dahil nasa bingit ng kamatayan ang kanyang anak. Katatapos lang mangaral ni Hesus noon, ng isang klaseng pagtitiwala na hindi nangangailangan ng testigo at pruweba. Kaya sa pagkakataong iyon, muling ipinaramdam ni Hesus sa kanila ang walang hanggang awa at pag-ibig ng Ama. Sinabihan niya ang opisyal na umuwi, at magaling na ang kanyang anak. Mukhang malayo ang nilakbay ng opisyal, o baka may ginawa pa siyang mahalagang bagay bago umuwi sa bahay. Lumipas muna ang isang araw. Pero bitbit niya ang pagtitiwala sa Salita ni Hesus. Kaya umuwi siyang mag-isa. Pakiwari niya’y walang silbi ang pakiusap niya kay Hesus na sumama sa kanya. Pero alam niyang, iyon ang tamang dapat gawin, pagkatapos nang halos magpatirapa niyang pagmamakaawa sa harapan ni Hesus, dahil mamamatay ang kanyang mahal sa buhay. Kaya nung tinanong niya ang mga kasambahay, kung kailan gumaling ang kanyang anak, naganap iyon sa panahong humihingi siya ng tulong kay Hesus. Mga kapanalig, sa buhay natin, masusukat ang ating pananampalataya sa sandaling buksan natin ang ating sarili sa mahiwagang pagkilos ng Diyos sa ating buhay. Buong kababaang loob nating hingin sa Diyos na dagdagan pa ang ating pananampalataya, at tulungan tayong maisabuhay ito, sa pamamagitan ng ating pagmamahal. Hindi na natin kailangan ng mga Milagro; ang ating tugon at aksyon ay magpapatunay ng kadakilaan ng Diyos, Amen.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Marso 11, 2024 - Lunes
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.