Mabuting Balita l Marso 12, 2023 – Ikatlong Linggo ng Kuwaresma (A) episode artwork

EPISODE · Mar 11, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Marso 12, 2023 – Ikatlong Linggo ng Kuwaresma (A)

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Marso 12, 2023 – Ikatlong Linggo ng Kuwaresma (A) Ebanghelyo: John 4:5-42 Dumating si Hesus sa isang bayan ng Samaria, na tinatawag na Sicar na malapit sa bukid na ibinigay ni Jacob kay Jose na kanyang anak. Naroon ang bukal ni Jacob si Hesus dahil sa pagod sa pag-lalakbay ay basta na lamang naupo sa may bukal. Tanghaling tapat ang oras noon, may babaeng taga Samaria na dumating upang sumalok ng tubig at sinabi sa kanya ni Hesus: “Painumin mo ako” sumagot naman sa kanya ang babaeng Samaritana, babaeng Samaritana ako at Judio ka naman at hinihiling mong painumin kita? sapagkat hindi nakikisalamuha ang mga Judio sa mga Samaritano. Sinabi ni Hesus sa kanya “Kung alam mo ang kaloob ng Diyo’s at kong sino ang nag salita sayong painumin mo ako, hiningan mo sana siya at bibigyan ka niya ng tubig na buhay. Sinabi sa kanya ng babae, Ginoo wala kang panalok at malalim ang balon, Saan galing ang iyong tubig na buhay? Mas may kakayahan ka ba kaysa ninuno naming si Jacob dahil siya ang nag bigay sa amin ng balon pag katapos niyang uminom mula rito pati na ang kanyang mga anak at mga kawan.” Suamagot si Hesus “Mauuhaw ulit ang uminom sa tubig na ito, ang uminom naman sa tubig na ibibigay ko sa kanya ay hinding hindi na mauuhaw, magiging isa ngang bukal sa kanya ang tubig na ibibigay ko at mag bubunga sa buhay na walang hanggan. Sinabi sa kanya ng babae ‘Ginoo ibigay mo sa akin ang tubig na ito at hindi na ako mauuhaw, ni mapaparito pa para sumalok rito. Sinabi sa kanya ni Hesus ‘’Ako Siya na siyang nangungusap sayo. Pagninilay: Napakinggan natin sa Mabuting Balita ni San Juan ang tagpo ng pagkikita ni Hesus at ng babaeng Samaritana.  Napakayaman ng istorya sa mga aral. Isa na rito ang pagnanais ni Hesus na dalhin ang kaligtasan sa lahat ng tao.  Ang babaeng Samaritana ang kumakatawan sa ating lahat, katulad niya, tayo rin ay mga makasalanan.  Marami tayong mga pagka-uhaw.  Uhaw tayo sa atensyon, sa pagmamahal, sa pagpapahalaga.  Kadalasan pinupunan natin ang uhaw na ito sa pamamagitan ng mga gawaing makasalanan. Mga kapanalig, katulad ng Babaeng Samaritana, patuloy tayong inaanyayahan ni Hesus na hayaan siyang punan ang ating mga pagka-uhaw. Ang sabi niya “…ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.” (v.14) Uhaw ka ba sa atensyon, sa pagmamahal at sa pagpapahalaga? Lumapit ka kay Hesus.  Kilala ka niya, mahalaga ka sa kanya, at mahal na mahal ka niya. Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Mar 11, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Marso 12, 2023 – Ikatlong Linggo ng Kuwaresma (A)

0:00 4:42

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on March 11, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!