EPISODE · Mar 16, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Marso 17, 2023 – Biyernes
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Marso 17, 2023 – Biyernes Ikatlong Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Mc 12:28-34 May isang guro ng Batas na nakarinig sa pagtatalo ni Hesus at ng mga Sadduseo. Nang mapansin niyang tama ang sagot ni Hesus sa mga Sadduseo, lumapit siya at nagtanong kay Hesus: “Ano ang una sa lahat ng utos?” Sumagot si Hesus: “Ito ang una: ‘Makinig nawa, O Israel! Iisa lang ang Panginoong nating Diyos. At mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, nang buo mong pag-iisip at nang buo mong lakas.’ At pangalawa naman ito: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Wala nang utos na mas mahalaga pa sa mga ito.” Kaya sinabi ng guro ng batas: “Mabuti, Guro, totoo ang sinabi mong isa Siya at wala na maliban sa Kanya. At nang mahalin Siya ng buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at mahalin din ang kapwa gaya ng sarili ay mas mahalaga kaysa mga sinunog na handog at mga alay.” Nakita ni Hesus na tama ang sinabi nito kaya sinabi niya: “Hindi ka malayo sa Kaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya. Pagninilay: Para saan nga ba tayo bumabangon? Kapag ang isang tao na nagmamahal ang tinatanong ng ganito, malamang mabilis siyang sasagot nang, ‘para sa mga taong mahal ko’. Mga kapanalig, ang pagmamahal ay likas sa isang tao dahil galing tayo sa Diyos na Mapagmahal, sa Diyos ng Pag-ibig. Kaya iyan din ang binibigyan-diin ni Hesus sa kanyang paglalagom ng Mabuting Balita ngayon sa dalawang pangunahing utos: na mahalin ang Diyos nang higit sa lahat; at mahalin ang kapwa tulad ng ating sarili. Dahil nilikha tayo ng Diyos na Mapagmahal, may kakayahan tayong magmahal sa tulong ng Kanyang Banal na Espiritu. Kaya naman, kapag hindi tayo namumuhay sa pagmamahal – nagiging pasaway at sakit ng ulo ng pamilya at lipunan – lumilihis tayo sa ating identity, bilang nilikhang kawangis ng Diyos. Pero, hindi pa huli ang lahat. Bawat araw na bumabangon tayo, panibagong pagkakataon ito upang itama ang ating pagkakamali, pagsisihan ang kasalanan, at manumbalik sa pag-ibig ng Diyos. Kailangan lamang nating magpakumbaba, at aminin ang ating pagkakamali; at taos pusong humingi ng tawad sa Diyos at sa kapwang ating sinaktan. Manalangin tayo: Panginoon, pagkalooban Mo po ako ng kababaang loob na aminin at pagsisihan ang aking kasalanan, at humingi ng tawad sa mga taong aking nasaktan, Amen. Ms. Imelda Benitez - Dometita
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Marso 17, 2023 – Biyernes
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.