Mabuting Balita l Marso 18, 2023 – Sabado episode artwork

EPISODE · Mar 17, 2023 · 5 MIN

Mabuting Balita l Marso 18, 2023 – Sabado

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Marso 18, 2023 – Sabado Ikatlong Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Lucas 18:9-14 Sinabi ni Hesus ang talinhagang ito tungkol sa ilang taong kumbinsido na mabuti sila at minamata naman ang iba: “Dalawang tao ang umakyat sa Templo para manalangin: Pariseo ang isa at publikano naman ang isa pa. Nakatayong nananalanging mag-isa ang Pariseo. Sinabi niya: 'O Diyos, salamat at hindi ako gaya ng ibang mga tao, mga magnanakaw, mandaraya, nakikiapid, o gaya ng kolektor ng buwis na iyan. Dalawang beses akong nag-aayuno isang linggo, nagbibigay ako ng ikapu sa lahat kong ari-arian.' Nasa likuran naman ang kolektor ng buwis at hindi man lang makatingala sa Langit. Dinadagukan niya ang dibdib sa pagsasabing 'O Diyos, kaawaan mo ako na isang makasalanan.' Sinasabi ko sa inyo na ito ang umuwing nasa grasya ng Diyos ngunit hindi ang isa. Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas naman ang nagpapakababa.” Pagninilay: Kapanalig, kailan mo huling dinagukan ang iyong dibdib? Sa mga nagsisimba araw-araw ginagawa natin ito kapag dinarasal natin ang ‘Ako’y nagkukumpisal’. Sa parte na: ‘sapagka’t lubha akong nagkasala sa isip, sa wika at sa gawa, at sa aking pagkukulang: dahil sa aking sala, sa aking sala, sa aking pinakamalaking sala’. Tatlong dagok. Ito ang taos na pagsisisi tulad ng Publikano. Sumasamo ng awa at inaamin na siya ay makasalanan. Sa pagdagok sa dibdib, mas matindi pa ito sa pagsasabi ng “sorry”.  Dahil ipinapahayag natin ang ating pagkadusta sa harap ng Diyos dahil sa malaking kahihiyan na ginawa natin. Tinatawag natin ang pansin ng Diyos na higitin tayo papunta sa Kanya. Dahil sa tuwing nagkakasala tayo, nahahandusay tayo sa pusali ng masama. Naninindig ang balahibo natin sa karimarimarim na dungis ng pagkakasala. Sobrang hirap ang dibdib natin sa kawalan ng tibay ng loob. Mapipigilan sana natin ang ating sarili na mag-cheat sa ating kapwa, sa ating sarili, at higit sa lahat sa ating Panginoon. Totoo na pinapakinggan tayo ng mahabagin nating Diyos, lalo na’t sincere ang pagkabog natin sa ating puso.  Pero hindi sapat ang public confession.  Hindi lang din sign of sorrow ang ibig maramdaman ng Diyos sa atin. Loob Niya na may ipamamalas tayong gawa. Sa paanong paraan? Ang paraang mag-G-Cash. Ito ang: G: Gratitude. Pagpapasalamat sa handog ng Awa ng Diyos sa atin. C-Conversion; Magbagong-loob at bagong-asal. A-Alms, Magbigay ng limos sa mga mahihirap, hindi lang pinansyal kundi limos ng pagmamahal. S-Sacrifice. Magpakasakit alang-alang sa mga nangangailangan. H-Holiness. Ito ang constant na paglilinis ng ating budhi. Sana maging habit natin na kumustahin ang ating puso para makaiwas na gumawa ng masama at humingi ng tawad kapag nadulas tayo sa pagkakasala. Kaya, habang nililimusan tayo ng Awa ng ating butihing Diyos, let us repay Him with our spiritual G-CASH. Sa ganitong paraan, nag-dedeposit tayo ng yaman sa Kanyang Tahanan. Sa Kanyang Eternal Home, wala nang pagdagok sa dibdib. Kundi ang paghimlay sa matimyas na dibdib ng ating Ama na kapayapaan at pagmamahal ay tigib. Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp / Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Mar 17, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Marso 18, 2023 – Sabado

0:00 5:16

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on March 17, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!