Mabuting Balita l Marso 19, 2024 – Martes  episode artwork

EPISODE · Mar 18, 2024 · 5 MIN

Mabuting Balita l Marso 19, 2024 – Martes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Marso 19, 2024 – Martes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma   Ebanghelyo:   Lucas 2:41–51Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Hesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Hesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila’t mga kakilala. Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem sa paghahanap sa kanya. At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. At namangha sa kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya. Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila.  Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso.   Pagninilay: “Thy will be done. Mangyari nawa ang kalooban mo.” Ito ang mga katagang nasambit ng mga ilang karakter sa bibliya. Ilan dito ay sina Maria at Hesus . Sagot ni Maria “Thy will be done” noong kinausap siya ng Anghel na siya ang maging ina ng Mesiyas (cf Luke 1:38). Nasambit naman ni Hesus habang siya ay nagdarasal sa hardin ng Getsemani, “Ama ko, kung hindi po maaaring maialis ang kopang ito malibang inumin ko, mangyari nawa ang inyong kalooban” (Mt 26:42) At ngayon ay si San Jose, na maaaring kahit isang salita mula sa kanya ay walang naisulat sa bibliya, pero sa kanyang gawa ay kitang-kita at ramdam na ramdam ang naisin ng kanyang puso’t isipan—ang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Try to imagine the situation of Joseph, bago ang pagpapakasal niya kay Maria. Sigurado ako na marami na siyang plano, bago pa man sila magsama: pakakasalan niya si Maria; magpapagawa ng bahay (tandaan karpintero siya), magsasama at titira roon at magkakaroon marahil ng maraming mga anak na tatawaging Joseph Jr. o Joseph II o little Josie. But wait, lahat ng mga ito ay gumuho, noong nalaman niya ang kundisyon ng kanyang magiging asawa na buntis na pala; at marahil mismong si Maria ang nagkuwento kay Jose kung paano siya nabuntis dulot ng Espiritu Santo. Ang hirap unawain di ba? Kung kayat nagdesisyon siyang hiwalayan niya ito ng tahimik. Pero nagbago ang lahat noong siya ay nanaginip, at doo’y nagpakita sa kanya ang anghel at sinabi ang kalooban ng Diyos. Sa kanyang paggising ay binigyang katuparan ang mithiin ng Diyos. Mga kapanalig, sa ating pagdiriwang ng kapistahan ni San Jose, bilang kabiyak ng puso ni Maria, tinatanong tayo, ‘sumusunod din ba tayo sa kalooban ng Diyos?’ Tandaan, sa bawat pagdasal natin ng Ama Namin, lalong lalo na sa bahagi ng ‘sundin ang loob Mo dito sa lupa, para nang sa langit’, isa rin itong pagpapaalala na dapat ang kalooban ng Diyos ang masunod. Kung kayat bilang anak ng Diyos, tularan natin si San Jose na kayang isantabi ang mga makasariling hangarin, at gampanan ang kalooban ng Poong Maylikha. Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Mar 18, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Marso 19, 2024 – Martes

0:00 5:04

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on March 18, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!