Mabuting Balita l Marso 21, 2024 – Huwebes  episode artwork

EPISODE · Mar 20, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Marso 21, 2024 – Huwebes

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Marso 21, 2024 – Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma                  Ebanghelyo: Jn 8:51-59 Sinabi ng mga Judio: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi niya masisilayan ang kamatayan.” Kaya sinabi sa kanya ng mga Judio: “Alam na namin ngayon na may demonyo ka nga. Namatay si Abraham pati ang Mga Propeta, at sinabi mong 'Kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi siya lalasap ng kamatayan.' Mas dakila ka ba kaysa ninuno namin si Abraham na namatay? Maging ang Mga Propeta ay nangamatay. At sino ka sa akala mo?” Sumagot si Hesus: “Kung ako ang magmamapuri sa sarili, walang saysay ang papuri ko. Ang aking ama ang pumupuri sa akin, siya na tinuturing n'yo na inyong Diyos. Hindi n'yo siya kilala ngunit kilala ko Siya. Kung sabihin ko man na hindi ko Siya kilala, magsisinungaling akong katulad n'yo. Ngunit kilala ko siya at isinasakatuparan ko ang kanyang salita. “Si Abraham na inyong ninuno ay nagalak na makikita niya ang araw ng padating ko; nakita nga niya at natuwa.” Kaya winika ng mga Judio sa kanya: “Wala ka pang limampung taon at nakita mo na si Abraham?” Sinabi sa kanila ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, bago pa man ipinanganak si Abaraham, ako na nga.” Kaya dumampot sila ng mga bato para ipukol sa kanya. Nagtago naman si Hesus at umalis sa Templo.     Pagninilay: Ang mamuhay ayon sa Salita ng ating Hesus Maestro, may forever. Ligtas siya mula sa kamatayan. Si Hesus na ating Guro at ang Kanyang Salita, iisa.  Di ba, sa simula pa lang ng Mabuting Balita ni Juan nasusulat na “Ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos”? Nakasulat din ang pagpapatunay nito sa Aklat ng Pahayag. Nasasaad: “Suot Niya ang balabal na winisikan ng dugo at ang pangalan Niya ay Salita ng Diyos”. Siya na Tagapagligtas, nagdudulot ng walang hanggang buhay. Sa cyberspace, kapansin-pansin ang information overload, nakaka-overwhelm. Hahanga ka sa creativity ng mga communication scientists and technologists.  Innovative at progressive ang kanilang inventions tulad sa Artificial Intelligence. Ask anything, anywhere. Ask Chatbot assistant, free ka nang magresearch. Save ang time mo, save na rin sa effort. Pero hanggang doon na lang ba ang kailangan natin? Kung may information overload sa communication technology, sa ating Hesus Maestro, hindi information overload kundi Word of God overflowing. Siya ang Perfect Communicator at abundant life ang dulot Niya. Tatlong araw na lang, Holy Week na. Dadalhin tayo ng Salita ng Diyos, na nag-cocommunicate ng great offering of life ng ating Hesus Maestro. Kaya’t pagnilayan nating mabuti at maging buhay na saksi tayo ng Kanyang Banal na Salita.  Totoong may forever ang Salita ng Diyos. Hindi lang itonagdudulot ng pagbabagong-loob, kalinisan ng budhi, at katiwasayan ng kaluluwa. Kundi nagbibigay sa atin ng pag-asa na makakapiling natin ang ating Panginoon sa buhay na ganap at kasiya-siya.       

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Mar 20, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Marso 21, 2024 – Huwebes

0:00 4:55

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on March 20, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!