Mabuting Balita l Marso 9, 2024 – Sabado episode artwork

EPISODE · Mar 8, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Marso 9, 2024 – Sabado

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Marso 9, 2024 – Sabado sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Lucas 18:9-14  Sinabi ni Hesus ang talinhagang ito tungkol sa ilang taong kumbinsido na mabuti sila at minamata naman ang iba: “Dalawang tao ang umakyat sa Templo para manalangin: Pariseo ang isa at publikano naman ang isa pa. Nakatayong nananalanging mag-isa ang Pariseo. Sinabi niya: 'O Diyos, salamat at hindi ako gaya ng ibang mga tao-mga  magnanakaw, mandaraya, nakikiapid, o gaya ng kolektor ng buwis na iyan. Dalawang beses akong nag-aayuno isang lingo, nagbibigay ako ng ikapu sa lahat kong ari-arian.' “Nasa likuran naman ang kolektor ng buwis at hindi man lang makatingala sa Langit. Dinadagukan niya ang dibdib sa pagsasabing 'O Diyos, kaawaan mo ako na isang makasalanan.'   “Sinasabi ko sa inyo na ito ang umuwing nasa grasya ng Diyos ngunit hindi ang isa. Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas naman ang nagpapakababa.”   Pagninilay: Sa tuwing haharap tayo sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal o pagsisimba, hindi natin kailangang magkunwari. Hindi natin kailangang ikumpara ang ating mga sarili sa iba, dahil nakikilala ng Diyos ang bawat isa sa atin. Alam niya ang nilalaman ng ating mga puso, bago pa man tayo magsalita. Minsan nga, mas epektibo pa ang konting salita, kaysa sa maraming sinasabi, na kalaunan ay nauuwi na sa pagiging “self-righteous”, gaya ng Pariseo sa ating Mabuting Balita, isang taong matuwid ang tingin sa sarili, pero hinahamak naman ang iba. Mayroong manipis na linya, sa pagitan ng pagiging matuwid at pagiging “self-righteous”. Madalas nakakatawid na tayo sa linyang ito nang hindi natin namamalayan. Sa araw-araw nating pamumuhay, may pagkakataong nakikipagtalo tayo sa ating kapwa, sa kapamilya, sa katrabaho, o sa kaeskwela. Sa ganitong mga pagkakataon, di ba gusto nating “Manalo”? Gusto nating tanggapin ng kabilang panig ang punto natin, ang ating opinyon, ang ating pinaniniwalaan, ang ating pinaglalaban. Wala namang masama dito pero ang hindi maganda, kung ang usapan ay nauuwi na sa isang monologue, isang lecture, kung saan iisang tao na lang ang nagsasalita, at hindi na pinakikinggan ang panig ng iba.  Manalangin tayo: Panginoon, buksan po ninyo ang sarado naming puso at isipan. Humihingi po kami ng tawad sa mga pagkakataong naging bulag at bingi kami sa katwiran. Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Mar 8, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Marso 9, 2024 – Sabado

0:00 4:19

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on March 8, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!