EPISODE · Apr 30, 2023 · 3 MIN
Mabuting Balita l Mayo 1, 2023 – Lunes
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Mayo 1, 2023 – Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay San Jose Labrador/ Labor Day Ebanghelyo: Mt 13:54-58 Pumunta si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Saan kaya galing ang kanyang karunungan at natatanging kapangyarihan? Hindi ba’t siya ang anak ng karpintero? Hindi ba’t si Maria ang kanyang ina at sina Jose, Jaime, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid? Hindi ba’t narito sa piling natin ang kanyang mga kapatid na babae? Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito?” At bulag sila tungkol sa kanya. Sinabi naman sa kanila ni Hesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” At kaunti lamang ang kanyang ginawang himala roon sapagkat kulang sila sa pananampalataya. Pagninilay: Naging tao ang Diyos atpumasok sa ating kasaysayan sa katauhan ni Hesus. Hindi Siya naiiba sa atin maliban sa walaSiyang kasalanan. Isinilang Siya at namuhay sa isang pamilya. Ang Kanyangpaglaki ay dumaan sa paghuhubog katulad sa mga bata. May magulang na umaantabay sa Kanyang paglaki. Naging mulat Siya sapaghahanapbuhay katulad ni Jose, na Kanyang ama dito sa lupa. Alam Niya ang ibig sabihin ng dignidad ng paggawa. Nauunawaan Niya ang kilos atgalaw ng tao, dahil Siya’y tunay na tao. Dahil sa diwa ng makataong paghubog, lalong nabatid ni Hesus ang ibigsabihin ng pagiging tao. Babad Siya sa karanasan ng bawat tao – ang Kanyang ligaya at kalungkutan, tagumpay atpagkadapa, pagsusumikap at pakikibaka. Mga kapatid, patunay lamang ito sa katotohanan na ang Diyos hindi malayosa atin. Sa Kanyang pagiging tunay natao, ipinakita Niya sa atin ang dangal ng bawat isa. Hindi tayo tao lamang; kundi tao, na puno ngdignidad at karangalan. Magiging saating paggawa nakikita ang ating dangal. Sa ating pang araw-araw na buhay papaano ba natin binibigyang halaga ang ating pagtatrabaho o paggawa? Ipinagpapasalamat ba natin ito sa Diyos o puro tayo reklamo dahil satensiyon at pagod na dulot nito? Hilingin natin ang tulong- panalangin ni San Jose, Manggagawa namatutunan nating mahalin anumang gawaing ginagampanan natin ngayon at lagi itong ipagpasalamat sa Diyos. Amen. -Sr. Lines Salazar, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Mayo 1, 2023 – Lunes
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.