Mabuting Balita l Mayo 10, 2023 - Miyerkules  episode artwork

EPISODE · May 9, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Mayo 10, 2023 - Miyerkules

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Mayo 10, 2023 - Miyerkules Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 15:1-8 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga. Malinis na kayo dahil sa wikang binigkas ko sa inyo. Manatili kayo sa akin, ako naman sa inyo. Hindi makapamumunga ang sanga mula sa ganang sarili, malibang manatili ito sa puno ng ubas; gayundin naman, hindi kayo makapamumunga malibang manatili kayo sa akin. Ako ang punong ubas, kayo ang mga sanga. Kung may nananatili sa akin at ako naman sa kanya, namumunga siya ng sagana; ngunit kung hiwalay sa akin ay hindi ninyo kayang gumawa ng anuman. Kung may di nananatili sa akin, itatapon siya sa labas gaya ng sangang natuyo, na tinitipon at iginagatong sa apoy at nagliliyab. Kung mananatili kayo sa akin at mananatili naman sa inyo ang aking mga salita, hilingin ninyo ang anumang loobin ninyo at gagawin ko para sa inyo. Sa ganito pararangalan ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.”   Pagninilay: Mga kapanalig, marahil marami sa atin ang nakaka relate sa Balitang ating narinig, dahil patungkol ito sa isang gawain o libangan ng mga mahilig sa pagtatanim; mga “plantitas at plantitos,” ika nga. Pinapa-alalahanan tayo ng Panginoong Hesus ngayon, na siya ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga. Kung mananatili tayo sa kanyang mga salita, at sumusunod sa kanyang mga utos, mamumunga tayo ng masagana.  Dahil kung wala ang Diyos sa buhay natin, wala tayong magagawa kahit ano man. Mga kapanalig, madalas may mga bagay tayong gustong gawin sa buhay, o mga pangarap na gustong abutin, pero pakiramdam natin, hindi tayo umuusad o dili kaya’y hindi nagtatagumpay dito. Marahil, naniniwala lang tayo sa pansarili nating kakayahan at abilidad. Pero, kulang sa pananampalataya sa Diyos na siyang pinagmumulan ng grasya at kapangyarihan, upang magtagumpay at mamunga ng masagana. Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoon, “Kapag manatili kayo sa akin, at manatili naman sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang ano mang maibigan at ipagkakaloob sa inyo.” Paano nga ba tayo mananatili kay Kristo upang makapamunga nang masagana? Kung tayo’y mananatili sa Simbahan at sa mga Sakramento, palalimin ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng mga panalangin, namumuhay sa pag-ibig, patibayin ang ating pananampalataya at isabuhay ito. Lahat nang ito’y mga bukal kung saan dumadaloy ang grasya ng Diyos sa buhay natin bilang mga Kristiyano.    -Sr. Gemma Gamab, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 9, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Mayo 10, 2023 - Miyerkules

0:00 4:50

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on May 9, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!